HOROSCOPE DECEMBER 15, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 15, 2021

December 14, 2021 @ 10:05 PM 10 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Mauudlot ang pagdating ng biyayang hinihintay mo. Ito ay dahil sa mga negatibong nakaharang sa landas mo. Subukan mong maging positibo sa kabila nito upang makahanap ng ibang daan ang suwerte patungo sa’yo.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi na oras ng pagmumukmok kaya kakailanganin mo nang tumayo at gawin ang mga dapat mong gawin. Marami kang trabahong nabinbin na dapat mong unahin sa ngayon. Kaya ang araw na ito ay magiging abala para sa’yong trabaho.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Matutuon ang pansin mo sa isang bagong pagkakakitaan. Makakakita ka kasi ng pag-asa dito. Iwasan mo lang makipag-ugnayan sa mga taong makikilala mo lang online. Hindi lahat ay pwede mong pagkatiwalaan lalo na sa usaping pera.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang lungkot mo ay mapapalitan ng saya sa pagtawag ng isang kaibigan. Maganda ang ihahatid niyang balita sa’yo kaya naman ang madilim mong awra ngayon ay maaliwalas at aakit ng positibong enerhiya para i-welcome ang suwerte.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ngayong araw ay babalakin mong mag-iba ng career. Maaakit ka kasi sa mga mababasa mo online. Bago ka magdesisyon ay siguraduhin mo munang tama ang mga detalyeng makukuha mo upang hindi ito ikapahamak.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang kaibigan na inaakala mong hindi na kaibigan ang turing sa’yo, ngayon ay magpaparamdam. Hindi magugustuhan ng iyong mahal ang magiging paglapit niya sa’yo kaya maiipit ka sa kanilang dalawa. Hindi mo naman kakailanganing mamili.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang maganda mong mood sa umaga ay mapapalitan ng bad mood dahil sa isang kapitbahay. Hindi mo magugustuhan ang magiging gawi niya pati ang mga salitang lalabas sa bibig niya. Pero wala kang balak na patulan siya kaya mananatili ka na lang sa loob ng bahay bitbit ang iyong inis.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Dahil naranasan mo na ang maloko kaya sa pagkakataong ito ikaw ay magiging alisto. Sadyang lapitin ka ngayon ng malas kaya mas makabubuti kung ipagpapaliban mo na lang ang pag-alis upang makaiwas sa kamalasang nakaabang sa labas.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Isang kaibigan ang magpapakita ng labis na pagmamalasakit sa’yo. Bagamat hindi kayo masyadong close ay mararamdaman mo ang kanyang sinseridad at masasabi mong gusto mo na siyang maging kaibi-gan habambuhay.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Labis ang kalungkutang mararamdaman mo dahil sa isang mahal mo sa buhay na magpapasyang lumayo. Panandalian lang naman ang kalungkutang ito dahil panandalian lang din ang magiging pag-alis niya. Kaya wala kang dapat ipag-alala.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Kukulangin ang oras na ilalaan mo sa iyong pamilya. Kahit kasi nakatoka na ang oras mo para sa kanila ay hindi mo pa rin maiiwasan na magkaroon ng komunikasyon sa trabaho. Kailangan mong matutong mag-manage ng time upang maiwasan ang aberya.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Isang kamag-anak ang magbabalik. Hindi mo maiintindihan ang mararamdaman mo kung dapat mo ba itong ikatuwa o ikabahala. Dahil hindi mo siya puwedeng ipagtabuyan kaya wala kang magagawa kundi mag-obserba na lang.