HOROSCOPE DECEMBER 15, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 15, 2022

December 15, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Ihanda ang iyong sarili at tainga ngayong papalapit na ang Pasko. Makaririnig ka ng mga awiting wala gaano sa saliw. Nang mga putukan sa lansangan kahit wala pa ang bagong taon. Ihanda ang bulsa’t pitaka sa mga kakanta ng mga awiting Pamasko. Pagpasensyahan mo na lang at hindi naman iinit ang ulo mo kahit maiingay sila’t sintunado. Kasi, nakakatawa naman. Saka marami kang pera, okay na sa kanila ang etneb ang ilagay sa sobre at lata.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kusang papasok at darating ang biyaya kahit hindi ito asamin o hintayin. Ang langit na ang kusang magkakaloob nito sa iyo sa pamamagitan ng mga tao, pagkakataon at mga pangyayaring itinulot sa ilalim ng araw. Ito ay dahil kahit may mga mabigat kang pagsubok na hinarap sa taong ito, hindi ka nagreklamo, lumamang o may tinapakang tao. Kaya, iibahin na ng langit ang iskrip para sa iyo at ikaw naman ang ilalagay niya sa itaas sa mga susunod na araw.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung kikilos upang baguhin ang takbo ng buhay ngayon, magkakaroon ito ng positibong resulta. Magkakaroon din ng hindi inaasahang bisita na maghahatid ng magandang balita tungkol sa kabuhayan. Gagaling din ang karamdaman ng iyong kaanak na matagal nang iniinda. Kaya, magiging lubusan ang pagdiriwang ng Pasko dahil sa kakaibang kaligayahan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ang iyong inaasahang biyaya ay darating basta huwag ka lang maiinip. Kapag nainip ka ay talagang mabuburyong ka. Basta relaks ka lang at langit na ang bahala sa iyo. Hindi lang pera ang darating sa iyo, kundi pati pagkain, damit at iba pa. Asahan din ang pagdating ng ilang kaanak na bibisita sa inyong bahay.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mapapahiya ang mga taong nagreklamo sa iyo sa barangay. Hindi kasi nila alam ang kanilang ginagawa. Gayunman, huwag silang hamakin, kundi unawain at mauuwi lang sa tawanan ang nangyaring reklamo. Mas pagpapalain ka kung magpapakumbaba at magiging magiliw sa kapwa. Ang mga inis sa iyo ay magiging tapat na kaibigan.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung aalis ngayong holiday season at maiiwanan ang bahay, buksan nyo ang ilaw. Para isipin ng mga tao na may tao sa bahay. Makisuyo rin sa isang kapitbahay o kaibigan na mapagkakatiwalaan na tingnan o bantayan ang bahay. Bumalim agad upang doon na gawin ang iba pang okasyon. ‘Di ‘yung ikaw lang ang luluwas para maki-reunion sa mga kaanak. Sila naman kako.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ipagpaliban mo muna ang lakad sa malayong lugar kung di naman ito gaanong mahalaga. Mas mahalaga ang panahon sa pamilya at sa manaka-nakang trabaho kung may pasok. Huwag manghinayang sa perang gagatusin na pambili ng mga pagkain para sa okasyon. May paparating pa naman at mas doble pa.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi sapat na bigyan mo lang siya ng regalo at pera. Dapat ay bigyan mo ng sapat na atensyon ang iyong inaanak na ikaw ang itinuturing na ama. Kasi nga, wala na siyang tatay. Mahalaga na madalaw-dalaw mo siya at isamang mamasyal. Ibayong sigla ang maidudulot nu’n sa bata upang tuluyan na siyang maka-recover sa karamdaman nito.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May pera ka ngayon at paldo kang talaga. Pero, feeling mo, parang ‘di ka lubusang happy. Kasi nga, may talagang hinahanap ka na makapagpapasa sa iyo. Gawin mo na ang nararapat na hakbang upang lumigaya ka bago sumapit ang Pasko. Makipag-ayos sa isang nakatampuhang kaanak o kaibigan at kasintahan. Magiging maluwag ang iyong pakiramdam kapag nagkaroon ito ng katuparan.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ikaw rin ay malungkot na parang masaya ngayong panahon ng Kapaskuhan. Kasi nga, kahit kumpleto ka sa palagay mo ay tila parang kulang din. Nami-miss mo siya dahil matagal kayong hindi nagkita. Hindi mo siya matiis dahil hanggang ngayon ay may feelings ka pa rin sa ex mo. Huwag kang papayag na tuluyan siyang maglaho sa piling mo. Mas masarap kapwa nyo i-share ang blessings at success n’yo sa isa’t isa. Magkakabati naman kayo uli.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Sa Paskong ito, mapapatunayan mo na hindi lang pera ang lubusang makapagpapasaya sa isang tao. Kundi, ang masaya, kumpleto at magandang samahan ng buong pamilya. Balewala ang salapi kung wala ka namang pinaglalaanan nito. Mas masaya sa pakiramdam na may napapasaya ka at may nabubusog na bunga ng iyong pagsisikap, na roo’y pinadaraan ng langit ang mga biyaya.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Pakiramdam mo’y hindi mo mahanap ang pagkakataon. Pero ang totoo, nandiyan lang pero ayaw mong harapin dahil sa nagawang pagkakamali. Ikaw na ang magkusang humingi ng tawad sa kasintahan mo na nagawan mo ng kalokohan. Patatawarin ka naman din niya kung sinsero ang paglapit. Magkakabalikan kayo at sa pagkakataong ito ay magseryoso ka na. Sa kanya mo ituon ang iyong pagsisikap at matatamong biyaya.