HOROSCOPE DECEMBER 16, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 16, 2021

December 16, 2021 @ 7:00 AM 5 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Magiging abala ka sa mga gawaing bahay. Hindi mo muna bibig-yan ng pansin ang mga bagay na walang kinalaman sa pinagkakaabalahan mo ngayon. Hindi mo gusto ang naiistorbo kaya isasantabi mo muna ang mga hindi pa kailangang gawin.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa uumpisahang negosyo dahil sa mga mababalitaan mo tungkol dito. Kung nais mong makasiguro ay mag-obserba ka muna at makinig sa payo ng mas may alam sa gusto mong pasukin.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Aakalain mo na wala talaga siyang pagtingin sa’yo. Pero magkakamali ka dahil ngayong araw ay magiging obvious ang pagtatangi niya sa’yo. Hindi man niya ito aminin sa’yo ng harapan ay mararamdaman mo naman ng malinaw na malinaw.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pagbibigyan mo ang matagal ng hiling ng isang kaibigan. Hindi mo rin kasi gugustuhin na magtampo siya sa’yo ng tuluyan. Dahil sa gagawin mo ay makakalimutan niya agad ang mga pagkukulang mo at magpapasalamat na lang siya sa’yo.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi mo maiiwasan na maglabas ng hinaing ngayon sa isang kaibigan maski hindi mo pa ito gaanong close. Ang mga hinaing mo tungkol sa iyong asawa ang siyang idadaing mo at aasa kang mauunawaan ka niya.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Ikaw ang gagawa ng paraan para maayos ang problema n’yo ng iyong mahal. Kahit hindi ka sigurado at hindi ka aminado na ikaw ang may sala ay aakuin mo na lang ang pagkakamali at ikaw na ang mauunang sumuko dahil mahal mo siya.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) May bagong pag-ibig ang kakatok sa puso mo. Hindi ka pa handang papasukin ito kaya hindi mo muna gaanong bibigyan ng pansin. Subalit sa kabila ng iyong pag-iwas ay hindi mo maiiwasan na mapalapit sa kanya.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  May pagbabagong magaganap sa pagitan n’yong magkakaibigan. Ito ay dahil sa pagpasok ng isang tao sa buhay n’yo na siyang magiging dahilan ng isang tampuhan at mga hindi pagkakaunawaan. Mananatili kang nasa gitna.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Maaliwalas ang panahon at maganda ang awra ng mga taong bubungad sa umaga mo. Kaya naman ang maghapon mo ay magiging maaliwalas din at puno ng pag-asa. Ang magandang araw mo ay maibabahagi mo rin sa iba.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Mauudlot ang mga balak mong gawin ngayong araw dahil sa isang biglaang lakad. Dahil sa nasirang plano mo ay kakailanganin mong magbuo ng panibago at bumawi sa isang tao. Ang araw na ito ay puno ng pressure para sa’yo.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Maganda ang ibubunga ng pagsisikap mo. Ngayong araw ay isang maliit na pagkakawanggawa ang magagawa mo at hindi mo akalaing aani ka ng papuri mula rito. Magandang simula ito para sa mga nais mo pang gawin.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang alalahanin mo ay mapapalitan ng saya dahil sa hindi inaasahang bisita. Magagawa mong makalimutan ng pansamantala ang mga problema dahil sa kanya. Likas kasi ang pagiging masayahin niya at nakakahawa ito.