HOROSCOPE DECEMBER 17, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 17, 2022

December 17, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Maging masaya ka at maging kontento kung anong bagay meron ka ngayon. Huwag mong tingnan ang iba na akala mo ay paldong-paldong. Pero ang totoo, hindi naman lubusang masaya. Matagal maubos ang perang pinaghirapan kaysa sa hindi. Magugulat ka, ang akala mong kaunti ay marami pala ang ihahanda nyo sa hapag. Magtipid sa lugar upang may panghanda pa para sa Bagong Taon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Bagama’t inuupat ka, magiging masaya ka pa rin. Kasi, makabubuti sa iyo bilang content creator ang gayun dahil sa kanila ka kumikita. Sila ang totoong tagasunod mo kahit nangungunsimisyon sila sa pinagagagawa mo. Hindi nauunwaan ng lahat ang estilo mo pero kalauna’y maiintindihan din nila. Ang biyaya ay darating sa panahong halos walang-wala ka na. kaya, magiging masaya kang bigla.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kahit hindi mo dyurisdiksiyon ang isang task, sa iyo ito ipagagawa ng iyong amo. Kasi, mas may tiwala siya sa iyo kaysa sa iba. Kasi ang iba ay palamuti lang sa kanilang posisyon, pero ang totoo, kulang pa sa kasanayan at karanasan. Mag-ingat lamang sa mga matang mapanghusga. Pero, imbes na intindihin mo sila, huwag mo silang pansinin at pag-aksayan ng panahon. Iba yata ang attitude ng may pera at balewalain mo dapat ang mga ganyang uri ng tao na kulang sa professionalism sa trabaho.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Huwag kang makipag-usap at makipagtransaksiyon sa mga taong pabago-bago ng pagpapasya at isip. Ang mga gayung tao ay sanggol pa sa maturidad at ‘di dapat pagkatiwalaan sa maliit man o malaking bagay. Ipapahamak ka ng gayung tao. Kaya, huwag makisosyo sa negosyo ng taong iyon at malilintikan ang pera mo. Ipunin mo ang pera mo at magtayo ka ng sarili mong negosyo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung gusto mong magtagumpay ang iyong proyekto, matutong makinig at tumanggap ng suhestiyon at opinyon ng iba. Malalaman mo naman sa sarili mo kung sinasabi sa iyo ay kalokohan, pambobola o talagang pagmamalasakit. Kailangan mo ito upang mapagtimbang-timbang ang pagpapasya sa gagawin. Ang perang nasa kamay ay sinupin at gamitin sa mas mahalaga pang gastusin.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang diwa ng Pasko at pag-ibig ay magiging maamo sa iyo. Magkakaroon ka ng bagong lovelife at makikilala mo siya sa araw ng Christmas Party ng inyong opisina. Matagal ka na ring single kaya kailangan mong kulayan ang iyong buhay pag-ibig. Magiging masaya ka rin ngayong holiday season dahil sa pagdalaw ng ilang kaanak at kaibigan na matagal nang hindi nakikita. Sila na ang bahala sa tsitsa.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Lawakan mo ang iyong isipan at pang-unawa sa mga tao sa paligid mo. Hindi lahat ay mayroon ngayong Pasko. Kung naparami man sila ng kain bilang bisita mo, intindihin mo. Kasi, nagpakatotoo lang sila sa iyo. Sa halip na lihim na mainis, ipagbalot mo pa sila ng pagkain at anomang maibibigay kung sobra sa pangangailangan ng inyong sambahayan. Kapag ginawa mo ito, ipagtatanggol ka ng mga taong iyon kapag may umuupak sa iyo na kanilang narinig. Isa pa, ang langit na ang bahalang magpuno sa iyong pangangailangan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mong iispin na ang maliit na problema ay lalaki. O kung meron kang suliranin ay aakalain mong nakapalaki na. Binibigyan mo lang ng sakit ng ulo ang sarili mo. Pero ang totoo, napakagaan lang ng problema mo at hindi dapat iniintindi pa dahil nakaambang naman na ang solusyon. Makipagkasiyahan sa mga kaanak at kaibigan ngayong holiday season. Kailangan mo rin ito upang sumaya ka basta nasa lugar lang.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Iba noon at iba rin ngayon ang sitwasyon. Kaya ang isipin mo ay ang ngayon at huwag balikan ang mapait na pangyayari noon. May dapat kang matuklasan na lihim sa ikabubuti ng lahat. Kailangan itong mangyari upang matuto ang dapat matuto at magtanda ang dapat magtanda. Isang deal ang maisasara mo bago sumapit ang araw ng Pasko.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ituon ang pansin sa trabaho at tapusin ito nang maaga kung kaya mo. Sa gayun ay may oras ka pang gawin ang iba mong libangan at aktibidad. Maiiwas ka rin nito sa kompromiso. Ang pera ay madaling kitain pero madali ring mawala. Kumbaga sa ibon, agad na dadapo, agad ding lilipad. Kaya, maging matalino sa paggastos kahit malakas ngayon ang purchasing power mo.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Matutong tumanggi kung inaalok ka ng sobra ayon sa iyong makakaya. Kung busog ka na, ipabalot mo na lang ang pagkain. Kung hindi pa naman todo pero pakiramdam mo ay fully loaded ka na, tumikim kahit kaunti upang hindi naman mapahiya ang nagyaya sa iyo. Lalong aplikable ang pagtanggi lalo na sa inuman. Hindi iyan sukatan ng pagkalalaki. Bakit ka maglalagay ng sobra sa sistema mo na ikasasakit ng ulo at katawan mo?

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Pag-aralang mabuti ang sitwasyon at ang iyong sarili. Baka nawiwili ka at nakakalimutan ang iyong mga obligasyon at paglutas sa problema. Panandalian lang ang saya mo ngayong holiday season. Maigi ang magsaya pero huwag sobra-sobra at baka malingat ka, pordoy ka na naman. Dahan-dahan sa paggastos dahil hindi naman buwan-buwan ang pagbibigay ng bonus. Huwag makipagsabayan sa pabonggahan ng handaan. Maghanda ng sapat at ayon sa pangangailangan. Baka kapag sumobra, ibigay mo, pero hindi naman kakainin at baka itapon lang bilang kaning baboy.