HOROSCOPE DECEMBER 19, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 19, 2022

December 19, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Kung balak mong ligawan ang crush mo, huwag mong digahan sa Simbang Gabi. Mahiya ka naman uy! Sa bahay mo puntahan at magdala ka ng bibingka at puto bungbong, tapos isang bugkos ng rosas. Magsuot ka ng disente at huwag mukhang pangkista.Sa gayun ay malaki ang pogi points mo. Magagamit mo ang iyong kakaibang talento sa isang palabas. Huwag kang mag-alala, may TF naman iyon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Ang mga gawain na kinauumayan o ayaw gawin noon ay hindi sinasadyang magagawa at magugustuhan. Kaya naman, magiging daan ito upang maging masaya ka at magiging malusog pa ang iyong katawan. Ang mga biyaya ay darating basta ipagpatuloy mo lang ang iyong nasimulan. Ang mga maliliit na bagay na ibinibigay sa iyo ay magiging malaki kapag ito ay pinagsama-sama na.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Malas ka na suwerte ngayong araw. Makararamdam na tila naiihi ka habang nakasakay ka sa LRT. Huwag mo itong pigilin. Bumaba agad sa susunod na istasyon na may comfort room at idiskarga ang tawag ng kalikasan. Pagkatapos ay sumakay ka uli. Kaysa naman sa tiisin mo yan hanggang sa makarating ka ng office n’yo, ang sakit na ng puson mo. Ang suwerte mo lang, mananalo ka ng isa sa major prizes sa pa-raffle.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Ayusin ang dapat ayusin ngayong araw. Lalo na’t marami ang magiging bisita sa mga susunod na araw. Maghanda ng sapat at huwag masyadong gumastos. Ang mga bisita na kaanak at kaibigan ay magdadala naman ng pot luck. May mga pag-uusapan na sa una ay katuwaan lang. Subalit, makabubuo ng plano na maaaring ituloy o isakatuparan. Na magdudulot ng kaunlaran sa kabuhayan.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Huwag kang mapagod sa iyong ginagawa na nagbibigay naman ng kaaliwan at labis na kasiyahan sa iyo. Ito ay sa kabila na may ilang taong humahadlang sa iyong mabuting layunin. Gayunman, magtatagumpay ka sa iyong layunin. Ang pagbibigay ng atensyon at pagmamalasakit sa mga gawaing espirituwal ay magdudulot ng biyayang material at mabuting kalusugan sa iyo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Ang makulay at masayang kulay pag-ibig ay magkakaroon ng katuparan. Ito ay kung babaguhin mo ang iyong attitude. Maging magiliw ka at smiley. Ang perang natanggap ay madaling mauubos kung ikaw ay magpapabida sa mga reunion-reunion ng pamilya. Sapat na ang mag-ambag ka para sa kasiyahan ng mga bata sa inyong pamilya.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Kung layun mo ay makipagkasundo sa isang kaibigan at dating kasintahan, gawin mo at lakasan mo ang iyong loob. Sapagkat, wala namang mawawala o mapapahamak ka sa gagawin mo. Bagkus ay ikatutuwa pa nila ito. Buwenas ka sa salapi at mga kaibigan. Mapapasaya ka nila ngayong Pasko. Kahit Pasko ay ihahatak na nila ang Valentines Day para magkaroon ka ng bagong lovelife.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Huwag kang magdamdam kung hindi mo nakuha ang grand prize na 49 inches na LED TV. Hindi para sa iyo iyon. Makukuha mo ito sa anniversary ng company n’yo mapapanalunan iyon. Ang mahalaga, may naiuwi ka naman na premyo mula sa pa-raffle. Ang hinahangad na promosyon sa trabaho ay mapapasaiyo kung hindi ka masyadong mag-i-expect. Relaks ka lang. Ang mga bagay na hindi inaasahan ang siyang mapapasaiyo.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Mabubuo ang iyong plano kung magsasama ka ng mga taong maaasahan at tapat sa inyong pinag-usapan. Maisasakatuparan naman ito sa susunod na taon. Magiging maganda ang pagtatapos ng taong ito at sa susunod na taon kung magiging optimistiko ka at positibo ng pananaw sa buhay. Sasaiyo ang suwerte at biyaya at susuwagin mo ang malaking proyekto na magbibigay ng grasya sa iyo.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Kung may lakad ka na alam mong magbibigay ng kasiyahan sa iyo, go ka lang. Basta may limitasyon. Umuwi sa takdang oras dahil hinihintay ka ng pamilya mo, Kahit busog ka na sa alak at pulutan, kumain ka pa rin ng hapunan para β€˜di magtampo si mahal. Matutong magdrama-dramahan kapag napasubo ka sa inuman. Alam mo naman ang tropa mo, magdaramdam kapag wala ka sa tumaan. Kahit nakakatatlong light ka lang, magkunwari kang lasing para makauwi ka na.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Kabi-kabilaan ang kainan at handaan ngayong holiday season. Alalay lang sa kain at inom. Baka biglang lumaki ang bilbil at tumaas ang blood pressure mo. Paunlakan ang mga nagyayaya sa iyo, tutal libre naman nila ang tsibog. At least wala kang inilalabas na pera, kaya okay sa alright. Isang dating taong naiinis sa ito ang magiging biglaan mong kaibigan dahil sa nalaman niyang pareho kayo ng interes at may common friend.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Hindi ka naman social media influencer at celebrity, pero dinudumog ka ng fans.At ang fans na ito ay puro mga bata. Mga inaanak mo. Huwag mo silang pagtaguan. Bigyan mo sila batay sa iyong makakakaya. Sa gayun ay hindi ka masabihan na β€œkuripot ang ninong o ninang ko!” Alalahanin mong may anak ka rin na humihingi ng aguinaldo sa ninong niya. May biglaang trabaho na pagkakaperahan. Kaya, ihanda ang sarili.