HOROSCOPE DECEMBER 2, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 2, 2021

December 2, 2021 @ 7:00 AM 2 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ang puso mong nawawalan na ng pag-asa ay biglang mabubuhayan dahil sa isang text na matatanggap. Maaaring hindi mo ito paniwalaan sa umpisa pero mare-realize mo rin na may basehan ang lahat at mae-excite ka sa bagay na ito.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magiging smooth sailing para sa’yo at sa mahal mo ang araw na ito. Walang balakid sa inyong relasyon. Dahil dito ay makakaramdam ka ng kapanatagan ng loob. Iisipin mo na pansamantala lang ito pero ayos lang ‘yon sa’yo.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kabisado mo na ang likaw ng bituka niya. Sa kabila nito ay patuloy mo pa ring paniniwalaan ang lahat ng sasabihin niya. Para siyang isang magnet na laging nakaaakit sa’yo. Ipararamdam mo sa kan-ya ngayon ang pagmamahal na hindi niya dapat binabalewala.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Darating na rin sa wakas ang pinakahihintay mong pagkakataon para sa ma-tagal mo ng pinaplanong negosyo. Bagama’t hindi magiging ganoon kaganda sa simula ay magiging maayos din ito sa mga susunod pang araw.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kukulangin ang oras mo para sa iyong pamilya kaya magbabalak ka ng isang bakas-yon. Maganda naman ang plano mong ito. Kaya nga lang ay hindi ito matutuloy dahil sa ilang mahahalaga ring bagay na kailangan mong unahin.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mararamdaman mo ngayon kung gaano ka kamahal ng iyong sariling pamilya. Ipagtatanggol ka nila at dadamayan sa pagdaraanan mo. Kaya naman ang problemang kakaharapin ay magiging magaan dalhin para sa’yo dahil sila ay katuwang mo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maganda ang awra mo ngayon. Maraming makakapansin nito. Kaya naman ang suwerte ay maaakit palapit sa’yo. Magiging positibo ka hanggang sa matapos ang araw. Ipagpatuloy mo lang ang ganitong attitude hanggang sa mga susunod pang araw para magtuloy-tuloy rin ang suwerte.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Isang kaibigan ang susubukang ubusin ang pasensya mo. Pero hindi siya magtatagumpay dahil maganda ang iyong mood at walang makakasira nito. Babalewalain mo lang ang mga pang-aalaska niya at iisipin mong pinaglalaruan ka lang niya.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Makararamdam ka ng katamaran dahil sa paulit-ulit na routine sa trabaho. May sawa factor kang hindi maiiwasan. Dahil sa ganitong pakiramdam mo ay maaapektuhan ang iyong trabaho at makakagawa ka ng pagkakamali.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Makakarinig ka ng tsismis sa labas ng inyong bahay. Kung hindi mo kilala ng personal ang tao na pinag-uusapan nila ay iisipin mo na baka nga totoo ang kanilang sinasabi. Pero dahil kilala mo ang tao, ay tatawanan mo na lang ang kanilang akusasyon.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) May paparating na biyaya na magmumula pa sa malayong lugar. Mag-aalinlangan kang tanggapin ito pero sa huli ay tatanggapin mo rin dahil sa convincing power ng mga nakapaligid sa’yo. Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi ito masama.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Sa umaga pa lang ay mag-iinit na ang ulo mo dahil sa isang hindi katanggap-tanggap na pangyayari. Sa kabila nito ay magbabago naman ang ihip ng hangin bago sumapit ang gabi at magiging maayos rin ang lahat.