HOROSCOPE DECEMBER 2, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 2, 2022

December 2, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung minsan, hindi rin mabuti ang masyadong kuripot. Oo nga’t nakaiipon o nakatatabi ka ng pera para sa pangangailangan mo. Okay ang magtipid pero ilagay sa lugar. Kahit kasi may pera ka ay nagmumukha kang walang pera. Kasi, ang payat-payat mo. ‘E hindi ka naman nagda-diet masyado o nagbabawas ng timbang. Kumain ka dahil may panggastos ka. Baka kasi magka-ulcer ka. May darating na proyekto sa susunod na mga araw. Kaya, ihanda ang sarili. Palakasin ang immune system.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — May mga bagay sa mga ginagawa mo na nakokornihan ka, pero, swak sa iba. Tapos, ‘yung pinagbuhusan mo ng effort ay ‘yun pa ang matumal. Ganyan ang buhay ng content creator sa social media. Pero, panatilihin ang sipag, tiyaga at pagpapasensiya dahil hindi naman walang kabuluhan ang iyong ginagawa. Kung may ipinapagawang pabor o trabaho ang ibang tao sa iyo, maiging sabihan sila na huwag rush. Kako, sakyan din nila ang availability mo. Dahil kung hindi, hindi maganda ang magiging resulta. Huwag kang papayagna walang down payment at meryenda. Wala nang libre sa panahon ngayon.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Upang makatiyak kang tama at at karapat-dapat na tao ang iyong tutulungan, huwag kang manahan sa makalumang pagkilatis. Luma na yan at may bago na. Hindi porke medyo chubby ay hindi na nagigipit. Sadyang ganun lang talaga ang katawan nila kaya hindi halata. Pero ang totoo, walang gaanong laman ang sikmura. Kaya, tulungan mo kahit ilibre lang ng meryenda. Tutal, matatanggap mo naman ang bonus mo bukas.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Lahat ng bagay na nawala sa iyo noon dahil sa masama at di magandang pagkakataon ay muling babalik sa iyo. Gaganda ang iyong kapalaran dahil sa iyong pagtitiis, pagsisikap at pagtitiyaga. Hindi mo man hingin sa langit ang pagpapalang material, kusa itong ibibigay at gagamiting kasangkapan ay yaong taong hindi madaldal at marunong tumulong ng palihim.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Madaling matatapos ang isang gawain o proyekto kung may kasama ka. Kaya, huwag mong solohin kahit na sa tingin mo ay kayang-kaya mo namang tapusin. Ikaw ang gagawa tapos kasama sa credit ang iyong mga kasamahan. Ang pagkukusang iyon ay kalabisan na at nakakainsulto sa iyo. Hayaan mong tumulong sila para mapatotohanan nila ang kanilang sinasabi na may bahagi sila. Para hindi naman nakakahiya sa iyo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Huwag mong ikayamot ang naudlot na romansa at pag-ibig. Darating ang sandaling ang iyong mahal na ang magkukusa. Ang pagmamaramot minsan ay hindi masama, lalo na kung ang taong tinutulungan mo ay hindi marunong magpasalamat at hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Na kapag hindi mo napagbigyan ay sisinghalan ka at akala mo’y may ipinatago sa iyo. Umusal man sila ng panalangin laban sa iyo ay hindi mapangyayari. Dahil ikaw ang kakampihan ng langit.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Magbiro ka sa sandali o sa panahong nauukol ang gayung gawi. Huwag kang magbiro sa taong may mabigat na suliranin at sa bagong gising. Huwag ding magbibiro na nakakainsulto ng pagkatao dahil isa itong paghamak sa kapwa. Magbiro ng nauukol sa mga bagay-bagay at huwag sa karakter ng isang tao. Sinupin at magtabi ng pera kung natanggap mo na ang iyong bonus. Huwag kang papaya na maubusan ng pera ang iyong pitaka at walang naidadagdag sa iyong ipon.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag mong ipagwalang-bahala o babalewalain ang isang maganda at tamang payo mula sa nakatatandang kaanak o kaibigan. Sa gayun ay makatulong ito at maging gabay mo upang maisagawa mo ang isang proyekto ng maayos at perpekto. Kung nagyayayang mag-shopping ang iyong kabiyak, pagbigyan mo siya. Tutal, pera niya naman ang gagastusin niya. Samahan mo lang para magbuhat ng ipinamili niya. ‘E para naman sa inyo yun. Kaya, ipagpaliban muna ang lakad sa gabi.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung tutulong ka, huwag mabigat sa loob o may halong panunumbat. Hindi ba’t dapat kang magalak dahil ikaw naman ang nakatutulong dahil pinagpapala ka? Na ikaw ngayon ay nasa itaas at ang iba ay nasa ibaba. Makakasakit ka kasi ng loob kapag gayun. Tumulong ng masaya dahil ito rin ang gagawin ng iba sa iyo. May paparating kang grasya. Pero, huwag kang mag-isip kung saan ito gagastusin, lalo na sa mga bagay na hindi naman gaanong kailangan.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Barahin mo agad ang kaanak o kaibigan na ang topic ng usapan ay ang iba mong kaibigan o kaanak. Na hinahamak nila at inuupat dahil down ngayon. Pangit pakinggan ang gayun. Anong malay mo kung walang-wala ka ‘e ikaw naman ang pag-uusapan. Ipaalala mo sa kanila ang magandang bagay na nagawa ng bawat isa sa isa. Ang biyaya ay kusang darating kung ikaw ay may itinanim. Bumili na agad ng keso de bola at baka magmahal na ito ng presyo at iyon ang ibigay sa iyong mga inaanak saka isandaang piso. ‘Yung bibilhin mo ay kasinlaki lang ng bola ng baseball huwag kasinlaki ng bola ng basketball.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Magastos masyado ang iyong pamilya sa pagkain. Saka laging nasa fast food kung kumain. Bagama’t okay naman ay iwasan ang madalas na gayung gawi. Mahal ang manok pero di naman sila gaanong satisfied at sa softdrinks lang nabubusog. Ingatan ang kalusugan. Kung may puwesto naman sa bahay n’yo para mag-alaga ng manok o 45 days, mag-alaga ka. Sa gayun ay up to sawa sila at may panghanda pa kayo sa mga masasayang araw o holiday season.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Hindi totoong tinitigyawat ang mga inlove. Ikaw ‘yun. Iwasan mo ang mamantikang pagkain, puyat at maghilamos ka pagkatapos na bumiyahe. Okay ang magmahal ngayon dahil handa ka na at matured na. Ang lagay lang ay walang magkamali o sumubok sa iyo dahil nai-intimidate sila sa hitsura at estado mo sa buhay. Hoy, wala namang sinabing mukha kang monster ha! Guwapo at guwapa ka kasi. Ipakita na madali kang ma-reach. Kaya, matuto kang makisalamuha sa tao ng medyo todo.