HOROSCOPE DECEMBER 20, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 20, 2022

December 20, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Ang biyaya ay hindi dapat ipinagsasabi o ipinagmamalaki. Kung may pera ka, tumahimik ka at palabasin mo na wala kang pera. Hindi ka naman magmumukhang celebrity kong malaman ng iba na marami kang pera. Hayaan mong ang mga ipinundar mo ang magsabi nito sa kanila. Sa gayun ay hindi lalabas na nagmamayabang ka. Panatalihin ang pagiging mababa ang loob gaya ng iyong kinagawian at hindi ka mauubusan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Kumbaga sa bukid, ikaw ang babad sa araw. Naghahasik ng binhi at nagdidilig. Ganyan ang naging buhay mo sa kabuuan ng taon. Gayunman, kung hindi pa umaayon ang hinahangad sa ngayon, sa unang peryodo ng taong 2023 mo ito makakamtan. Ikaw naman ang ilalagay sa iba at ang iba ay sa ibaba. Ikaw naman ang sasaya sa biyayang matatanggap.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Maraming handaan at kainan ngayong holiday season.Kaya, ihanda ang sarili hindi dahil sa pagpapalabas ng pera. Kundi, ang mga liligpitin sa kainan. Kaya, magbaon ng maraming lakas at pasensya. Gayunman, magiging masaya ka naman at ang buong kaanak kaya ‘di mo rin mararamdaman ang pagod. Ang haybol n’yo kasi ang magiging venue ng reunion ng mag-anak.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Huwag mong isipin ang mga alalahanin ngayon. Lilipas din ang mga iyan at mapapalitan ng saya. May paparating na biyaya mula sa kaanak na makatutulong na makaalpas ka sa kinakaharap na problema o bayarin. Ang mga nalalabing araw sa taong ito ay magiging mabiyaya dahil sa paparating pang grasya at tulong mula sa mga kaibigan at kaanak.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Bagama’t pagod, inuuna mo ang kapakanang espirituwal na magdudulot ng biyayang espirituwal at materyal. Magiging masaya ka sa hindi inaasahang matatanggap na sorpresa. Anoman iyon ay talagang iyong ipagpapasalamat sapagkat labis itong magdudulot ng ligaya at galak sa iyo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Hindi porke holiday season at masaya siya, mapapansin ka na niya agad. Huwag kang masyadong assuming na magkakaroon agad ng spark ang mga simpleng tingin mo sa kanya. Hayaan mo siyang makaramdam nun. Huwag ka ring maging pabigla-bigla sa pagsasalita ng damdamin mo sa kanya at baka magulat ka’t mapahiya. Kung susuwertihin, baka siya pa ang magapproach sa iyo at ma-fall kung magiging disiplinado sa pagdadala ng damdamin.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ang pamilya ang unahin ngayong holiday season.Sa bahay kang magbabad kasama nila at kasama ng mga dumadalaw na kaanak at mga malalapit ka kaibigan. Ang Pasko ay huwag idaan sa paingayan dahil sagrado dapat ang pagkakakilala rito. Hindi malayaw o maingay gaya ng kabi-kabilaang videoke na para namang naghahanap lang ng gulo. Kung sino pa ang walang K na kumanta, sila pa malakas ang loob. Makisabay ka sa kanila at pakitaan mo rin sila kung papaano mapahiya upang matigil sa kahibangan nila.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Huwag kang malungkot kung hindi gaanong karamihan ang iyong magiging handa sa darating na Pasko. Marami naman ang magbibigay lalo na ang pagkain. Ang Pasko ay hindi pabonggahan ng handaan. Kundi, maghanda ka batay sa iyong natamong biyaya at pagpapala. Ang mahalaga, masaya at sama-sama ang buong pamilya sa holiday season.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Ang iyong narinig na negatibong pahayag laban sa iyo o sa mga kamag-anakan mo ay isang kabalintunaan. Marahil hindi mo nakumpleto ang dinig ng buong pangungusap. Kaya, maging cool ka lang at huwag mag-isip ng pagtatampo. Baka pinupuri ka ng mga tao dahil sa iyong natamong tagumpay ngayong taon. Matutong makisalamuha kung hinihingi nito ng iyong kapwa.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Tama ang iyong ginagawa na hindi nanghihinayang sa pagbibigay. Ang mainam, marami kang napapasayang tao lalo na ang mga manggagawa mo. Ang biyayang ibinabahagi sa kapwa ay babalik din sa iyo para mas makatulong ka pang lalo sa mga nangangailangan. May magandang balita ring matatanggap bago matapos ang taong ito.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Kung wagas at tunayang layunin mo sa kanya, walang dahilan para hindi ka niya bigyan ng pagkakataon. Basta ang mahalaga, naipadama mo at naiparating sa taong mahal mo ang damdamin mo sa kanya. Huwag masyadong gumastos ngayong holiday season dahil marami ka naman nakaimbak na pagkain sa bahay. Isipin mo ang susunod na taon para may magamit kang pamadyak sa oras ng pangangailangan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Kahit malayo ka sa mga kaanak, pilitin mong maging masaya. Huwag mong isiping nag-iisa ka. Dahil ang totoo, iniisip mo lang na malungkot ka. Hindi ka man nila makasama sa Pasko dahil sa mahalagang lakad, makababawi ka naman sa pagsalubong sa Bagong Taon. Mahalaga ang maghasik ng marami upang marami rin ka ring aanihing biyaya.