HOROSCOPE DECEMBER 21, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 21, 2021

December 21, 2021 @ 7:00 AM 5 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Malilibang ka sa mga bagong kasama sa bahay. Mga munting hayop na pwede mong alagaan. Sila ang sagot sa’yong kalungkutan. Dahil sa kanila ay makakalimutan mo ang mga problemang sanhi ng iyong kalungkutan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang problemang matagal mo nang iniisipan ng solusyon ay ‘di sinasad-yang masosolusyunan ngayon. Ito ay dahil sa pagdating ng isang kamag-anak mula sa malayong lugar. Siya ang hindi mo inaasahang makatutulong sa’yo.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ang mga binitawan mong salita sa isang tao noon ay babalik sa’yo ngayon. Mararanasan mo ang naranasan niya. Maiipit ka rin sa sitwasyon na hindi mo gusto at hindi mo maiiwasan ang panghuhusga ng ibang tao. Tatagan mo ang iyong loob at samahan mo ng dasal.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Malaki ang posibilidad na magkabati kayo ngayon ng isang kaibigan na nakaalitan mo. Isang kaibigan din ang nakatakdang mamagitan sa inyo. Susubukan niya kayong paglapitin ngayon para pagbatiin. Mapupuno ka ng pag-aalinlangan.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Magiging matagumpay ang mga aktibidad mo ngayon. Ito ay dahil sa naging masusi mong pagpaplano. Dahil sa tagumpay mo kaya maeengganyo ang mga nakatataas na pagkatiwalaan ka sa mga susunod na proyekto.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Tahimik lang ang araw na ito para sa’yo. Pansamantala kang magiging komportable da-hil ang problema ay mamamahinga. Enjoy mo lang ang bawat oras na lilipas. Nurture yourself. Pagbigyan mo ang sarili mo sa nais mong gawin.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magiging masigla ka sa araw na ito dahil nasa paligid mo lang ang tao na nagbibigay sa’yo ng inspirasyon. Maghapon mo siyang makakasama. Bukod doon ay magkakaroon ka pa ng pagkakataon na makausap siya.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Isang kaibigan ang muling magpaparamdam sa’yo. Matagal na kayong walang komunikasyon dahil napalayo siya ng lugar at ngayon ay muli siyang lalapit sa’yo. May problema siya na ikaw lang ang makapagbibigay ng solusyon.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  May matatanggap kang munting regalo mula sa isang bata na malapit sa puso mo. Mata-touch ka hindi lang sa thought na naisip ka niyang regaluhan kundi sa mismo ring naisip niyang iregalo sa’yo. Mayayakap mo siya sa tuwa.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Magiging magaan ang araw na ito dahil sa mga taong magpapa-good vibes sa’yo. Sila ang mga taong may positibong pananaw sa buhay at mapapalibutan ka nila kaya ang kapositibuhan nila ay mapapasaiyo rin.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magiging abala ka sa pagre-research sa kung ano ang mainam na negosyo. Maraming suggestions kang matatanggap mula sa mga kaibigan at kamag-anak. Kailangan mong pag-isipan itong mabuti upang maiwasang magkamali.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ito ang araw na magiging mabangong-mabango ang pangalan mo sa iyong boss. Magugustuhan niya ang resulta ng proyektong ipinagkatiwala niya sa’yo kaya siguradong makakasama ka sa mga susunod pa niyang plano.