HOROSCOPE DECEMBER 22, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 22, 2021

December 22, 2021 @ 7:00 AM 5 months ago


CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Sa mahal ng mga bilihin ngayon ay hindi mo na halos mararamdaman ang iyong bonus. Subalit hindi mo ito dapat ikalungkot dahil ang perang pinaghirapan mo ay mapakikinabangan ng buo mong pamilya. Marami pang blessings ang nakatakdang dumating.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Taste your words before spit them out. Ito ang dapat mong matutunan nang sa gayon ay hindi ka makasakit ng iyong kapwa kahit pa hindi mo sinasadya o wala kang masamang intensyon. Hindi lahat ay open sa malisyosong biro.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Pagkarinig mo pa lang sa tilaok ng manok ay dapat ka nang bumangon para maghanap ng biyaya. Hindi ito basta na lang darating sa harapan mo dahil mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Kaya kakailanganin mo talagang magdoble kayod.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Isang magandang regalo ang matatanggap mo mula sa hindi inaasahang tao. Paraan niya ito upang mapalapit sa’yo. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan subalit mas mananaig sa’yo ang kababaang loob kaya tatanggapin mo ang kanyang pakikipaglapit.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€”Β  Mahalaga ang bawat sandaling lilipas ngayong araw para sa’yo, subalit tila nana-nadya ang iyong tadhana at iipitin ka nito sa isang mahabang traffic. Susubukan nitong ubusin ang pasensya mo subalit pakakalmahin ka ng magandang musika sa sasakyan dahil ibabalik nito ang isang masayang alaala.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Madalas ay ikaw ang nanunuyo sa kanya. Sa pagkakataong ito ay ikaw naman ang kanyang susuyuin. Hindi mo agad paniniwalaan ang kanyang effort dahil hindi ka sanay na inaamo ka niya pero maniwala ka dahil hindi ka nananaginip lang.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Ang problemang hindi mo iniinda nitong mga nakaraang araw ay mararamdaman mo ngayon. Subalit huwag kang panghihinaan ng loob dahil hindi ka mag-iisa sa problemang ito. May kapamilya kang makakaramay.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Makararamdam ka ng panghihinayang sa isang tao na maagang mawawala sa buhay mo. Gusto mo pa na makasama siya ng matagal subalit hindi na ito pahihintulutan ng langit. Wala kang magagawa kundi tanggapin ang hangganan ng kanyang tadhana.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Maganda ang pagkakataong ibibigay sa’yo ng nakatataas sa trabaho. Ga-win mo ang lahat ng makakaya mo para mapatunayan sa kanya na hindi siya nagkamali ng pagpili sa’yo. Asahan mo na ang mga inggitera sa paligid mo.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Masuwerte ka ngayon sa hanapbuhay. Anomang pera ang hawakan mo gaano man ito kaliit o kalaki ay makakaya mong palaguin. Mag-focus ka lang at huwag bibitawan ang suwerteng nasa mga palad mo sa ngayon dahil pansamantala lang ito.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Darating na ang perang hinihintay mo. Dapat mo itong gamitin ng tama. Maging matalino ka sa paggastos dahil maraming tukso ang nakapaligid sa’yo ngayon. Marami rin ang nakaabang na maambunan mo ng grasya.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” May kakatok sa pintuan mo na may dalang sorpresa. Ikatutuwa mo ito. Kaya naman ang buong araw mo ay magiging magaan at maaliwalas dahil dito. Huwag mong kalilimutang mag-share ng iyong blessings sa iba.