HOROSCOPE DECEMBER 23, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 23, 2022

December 23, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Malabo pa sa sabaw ng pusit na magkakalabuan kayo. Kasi, love ka niyang talaga. Kaya, alisin mo sa iyong isipan na nanlalamig na siya sa iyo porke wala siyang gaanong panahon sa iyo dahil sa pagiging abala niya ngayon sa trabaho. Kung susunduin mo siya, tiyak na may oras kayo para sa isa’t isa. Ililibre ka pa niya sa date n’yo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Magtataka ang mga tao kung bakit lagi kang tahimik. Para daw hindi ka masaya ngayong holiday season. Ang totoo, minumuni-muni mo lang ang mga panahong nagdaan. Kung saan, ang mga pagkakamaling nagawa at maling desisyon na nagresulta sa pagkalugmok ay iyong babaguhin at itatama. Huli man dumating ang inaasahang salapi ay makatutulong ito upang maging masaya ka bago matapos ang taon.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ngarag ka man sa pag-aayos at pag-oorganisa ng isang aktibidad na pangkasiyahan, mawawala naman ito kapag nakita mo ang resulta. Na maraming tao ang magiging masaya at mag-e-enjoy nang husto. May paparating din na salapi kung mag-o-open sa isang malapit at nakaiintinding kaanak at kaibigan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Bagama’t nagloloko ang washing machine n’yo, huwag kang mag-alala, may paparating na bago. E kasi ang mister mo, nanalo sa raffle ng washing machine. Pero hindi pa niya maiuwi dahil hasel sa biyahe. Sabihin mo ito sa kanya para maiuwi na niya. May ibibigay rin sa iyo ang mister mo na sorpresa na ikatutuwa mo. May matatanggap na tawag na iyong ikagugulat at ikagagalak.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huwag mong ikadismaya kung hindi natuloy ang lakad n’yo. Tiyak kasi na may ibig sabihin iyan at may ipinahihiwatig ang langit. Baka kung matuloy kayo, baka may mangyari pang hindi maganda. Sana ay na gets mo ang tatlong palatandaan ng pagkakaaberya sa inyong nakatakdang biyahe. Kaya, magpasalamat ka dahil mahala pa kayo ng nasa Itaas. Ituloy na lang ninyo ang biyahe sa ibang araw.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung naiinis ka sa isang tao, kalimutan mo ito dahil masisira lang ang mood mo bawat araw. Baka naman ibang klase itong pagkainis mo dahil may halong kakaibang spark. Baka nai-inlove ka na. Sa halip na mainis, maging magiliw ka sa kanya dahil wala naman siyang ginagawang masama sa iyo. Baka ito na ang sagot sa wish noong Simbang Gabi na magkaroon ng bagong lovelife.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  May matatanggap kang bagong offer sa trabaho. Ito ay bilang reward sa iyo ng iyong boss dahil sa pagiging dedicated at pagiging masipag mo sa work sa buong taon. Ang bagong tungkuling ito ay magbibigay pa ng masaganang biyaya. Kaya, huwag kalimutang magpasalamat sa Itaas sa pagpapalang ito.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Isantabi mo muna ang sama ng loob sa isang kaanak na tumagal na ng halos isang taon. Sa halip na mainis sa kanya, panahon na upang ayusin ang inyong tampuhan. Kapag nakita mo siyang nag-iisa ay kibuin mo siya at yayaing kumain o mag-usap. Magugulat siya at mawawala ang sama ng loob. Magiging masaya ang pagsalubong n’yo sa bagong taon dahil sa biglaang parating na blessing.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung nais mong mamili, huwag kang makipagsiksikan sa mga miron kung ayaw mong mahirapan. Kung inaakala mong nakakamura ka ay wala ring pinag-iba kung mag-online shopping ka. Bukod sa iwas pagod na, hindi ka pa nahihirapan. Asahan din ang pagdating ng isang bisita na magbibigay sa iyo ng tuwa at magandang balita.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Ayos lang naman kayo kahapon. Pero, may problema na ngayon dahil hindi mo na gets ang pinabibili sa iyo ng iyong kasuyo o kasintahan. Kaya, mali ang iyong nabili na magiging resulta ng kanyang pagkainis. Pero, mawawala rin naman agad iyon, dahil napagtanto niya na ang iyong nabili mo ay mas higit pa sa kanyang inaasahan.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  —Pagkatapos pa ng Pasko mo pa malalaman kung sino ang lihim na nagpapabigay sa iyo ng cake na may love notes. Kasi makulit ka ring magtatatanong sa mga beshy mo kung sino ang secret admirer mo. Huwag kang mag-alala, hindi naman ito talo, kundi panalo. Kaya, hindi ka mahihiya na i-display siya sa mga amiga mong pawang guwapa.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Matutong makisalamuha sa iyong mga kaanak na sa tingin mo ayhinahamak ka dahil down ka sa nakalipas na dalawang taon. Iyon ay suspetsa mo lamang. Dahil ang totoo ay nami-miss ka na nila. Kaya, dumalo ka sa mga itinakda nilang kasiyahang pampamilya. May ibibigay sila sa iyo na sorpresa sa tiyak na kagigiliwan mo.