HOROSCOPE DECEMBER 27, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 27, 2022

December 27, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Huwag mong gayahin ang ibang kapitbahay na nag-iingay lang tuwing holiday season. Kanta rito, kanta roon pero ang sakit sa tainga. Ni isa yata sa kumanta sa hanay nila ay walang nagawang maganda sa pagkanta. Kalma ka lang para maiwasan ang pag-init ng ulo. Minsan lang naman yan sa isang taon. Ang importante, umasta ka ng may pinag-aralan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Pababawiin ka ng langit sa susunod na taon. Alam ng nasa itaas ang naging buhay mo sa nagdaang taon. Kaya, panahon naman para ikaw ang maging maalwan at maging masaya. Basta matuto lang maghintay at huwag magdaramdam. Ang biyaya ay darating sa isang pangyayaring hindi inaasahan.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Mabibigyan ng papuri ang iyong ginagawang paglakad, pag-aasikaso at pag-oorganisa sa isang ikinakasang programa o proyekto. Gayunman, nahihirapan ka kahit papaano. Ituro mo sa iba o sa mga subordinates mo ang pamamaraan at gabay kung papaano ito isasagawa. Sa gayun, ay alam na nila ang gagawin sa susunod at huwag mong pasaning lahat.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Isang kaanak ang matagal nang hindi nakikita at nakakausap ang magpaparamdam. Matutuwa ito sa iyong ginawa at maambunan ka pa ng biyaya. Ito ay dahil sa malaki ang naitulong mo sa kanya sa nagdaang mga panahon. Kung kaya, naabot nito ang kanyang pangarap.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Kahit holiday season, hindi ka sumabay sa agos gaya ng nakasanayan. Kundi, subsob ka pa rin sa trabaho. Dahil ang iniisip mo ay ang hinaharap at hindi ang kasalukuyan. Na kung β€˜di mo man makapiling ang mahal sa buhay sa espesyal na mga araw, may ibang araw pa naman para magdiwang. Kaya, hindi hasel sa iyo ang sitwasyon dahil naiintindihan ka ng iyong pamilya. Mahalaga na sa pagsalubong sa Bagong Taon ay kapiling ka nila.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Bagong pag-ibig ang naghihintay sa iyo sa susunod na taon. Ilang taon ka na rin kasing loveless. Kaya, panahon na para patibukin ang iyong natutulog na puso. Makikilala mo siya sa isang dadaluhang okasyon na inorganisa ng isa sa iyong mga kaibigan. Gawin mo ang bagay na nakahiligan mo ngayon habang hindi ka pa masyadong busy.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ang iyong kasanayan at kakayahan ay kakailanganin sa isang organisasyon upang sumulong ito at magtagumpay ang proyekto. Kaya, huwag nang mag-inarte kung ikaw ay inaalok na makasama sa isang proyekto. Huwag mong palampasin ang oportunidad na iyon. Doon ka sa tao o organisasyon na nagpapahalaga sa iyo at huwag doon sa gusto mo lang pero hindi ka masaya.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Hindi maiiwasang kapag kinakapos ka ay lumalapit ka o manghihingi ng tulong sa kalapit na kaibigan o kaanak. Pero, may maririnig ka sa iba na negatibong komento. Para maiwasan ito, lumapit sa taong tahimik at hindi madaldal at marunong mag-ingat ng lihim. Kung ikaw ang gipit noon, makababawi ka at ikaw naman ang makatutulong ngayon.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Nasa iyo lang pagdadala ang magiging damdamin mo bago matapos ang taong ito. Kung malungkot ka, huwag kang malungkot. Kasi, inaalala mo pa ang nangyari noong nagdaan. Mag-isip ka ng masaya at ituloy ang positibong gagawin sa taong darating. Ihanda rin ang sarili sa biglaang proyektong gagawin.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Hindi na mahalaga kung hindi mo napuntahan ang ilang handaan ng ibang kaibigan o kaaanak. Tutal hindi ka naman gaanong inimbitahan talaga. Tama lang ang ginawa mong dumalo sa talagang nag-anyaya sa iyo. Sundin mo ang iyong damdamin na kung saan ka masaya ay doon ka. Sapagkat hindi ka magdaramdam kung ganoon.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Magiging masaya ang unang peryodo nitong susunod na taon. Sapagkat aanihin mo na ang iyong pinaghirapan. Naghasik ka ng marami kaya marami ka ring aanihin. Ang iyong karanasan ang magtuturo sa iyo para makapagpasya ka ng tama sa mga gagawin.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Basagin mo ang karaniwang nang nangyayari kada matatapos ang taon. Na ilang araw lang ay kapos ka na dahil sa kagagastos. Na puno ng pagkain sa hapag pero pagkaraan ng bagong taon, sardinas na may halong sayote ang ulam n’yo. O kaya, sardinas na may miswa at tuyo. Hinay-hinay lang sa paggastos ng pera. Kung may stock pa kayo sa bahay, huwag nang bibili ng pagkain o ano pa na hindi kailangan.