HOROSCOPE DECEMBER 29, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 29, 2022

December 29, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Sa isang usapan o sa tumpukan ng magkakanak, huwag nyong isingit sa usapan ang paghahambing ng mga narating nyo sa buhay. O ihambing ang tagumpay ng iba sa paglugmok naman ng iba. Hindi ito magandang ugali at pangit pag-usapan. Sa halip na magkaisa ay lilikha lang ito ng pader na may bomba sa magkakanak. Kung hindi maiiwasan, ikaw na ang gumawa ng paraan upang ibahin ang usapan. Sa pagkain kako sila masarapan at huwag sa paninira ng ibang tao.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Kahit kinakapos ka, tama ang iyong ginagawa na pananahimik. Kaysa sa ipangalandakan ito sa iba at kanilang pagpiyestahang ikalat naman sa iba. Pakiramdaman mo ang mga taong nakapaligid sa iyo at nakakasalamuha. Suriin mo kung sino ang nariyan sa oras na ikaw sagana at sa oras na ikaw ay gipit. Ang mga taong nariyan sa iyo at nagbibigay kapag ikaw ay walang-wala ang siyang nagpapahalaga sa iyo.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Malalagay ka sa balag ng alanganin ngayong araw. Ngunit, huwag mag-alala’t matatapos mo rin ang gawaing iniatang sa iyo. Bagama’t nahirapan ka nang husto at kikinang naman ang pangalan mo at effort. Ang mga taong walang pakinabang sa iyo ay hindi naman masamang tablahin. Panahon na upang maglinis ng kalat sa bakuran.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Maging matibay ka sa kakaharaping unos bago matapos ang taon. Lilipas din agad ito. Makararaos din sa mga susunod na araw gawa ng hindi agad pagdating ng biyaya. Maiging magtiis muna sa kung ano ang meron. Dahil ngayon, walaka, bukas ikaw naman ang paldo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Kung hindi naman sa iyo iniatang ang isang pananagutan o responsibilidad, huwag mo na itong pagmalasakitang gawin. At saka huwag mong problemahin ang problema ng iba para β€˜di ka ma-stress. Alam naman ng iba ang ginagawa mo na akala mo ay β€˜di nila alam. Unahin asikasuhin ang iyong pamilya kaysa sa makisimpatiya sa kalagayan ng ibang tao.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Ang pag-ibig kahit hindi mo gustuhin, kusa itong darating. Kaya, huwag kang magsalita na hindi mo siya gusto. Baka ikaw din ang mawalan kapag ganun. Hayaan mong ma-develop ka sa kanya kasi masaya ka rin naman kapag kasama siya. Huwag mong tingnan ang ayaw mo sa kanya. Kundi, ang mga katangiang gusto mo ang titigan mo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Mahirap maibalik ang nasirang tiwala ng isang kaibigan. Parang nabasag na plorera na hindi na mabubuo kahit gamitan pa ng sangkatutak na epoksi. Nangyari na ang nangyari at huwag mong pilitin munang maibalik ang tiwala niya sa iyo sa kabila ng iyong pagsisikap. Ang mahalaga, itinatama mo lang ang iyong pagkukulang at pagkakamali. Sa huli ay nabibigyan ka pa rin niya ng isang pagkakataon.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Huwag kang papayag na mabakante ng raket o dagdag pinagkakakitaan porke naging paldo ka nitong nagdaang holiday season. Baka natatangay kalang ng agos sa sobrang saya at nawili sa kaligayahan ng iba. Pero, β€˜di mo namamalayan, paubos na rin pala ang iyong pera. Lalong magsipag dahil kailangan at hindi magipit.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Ipahinga muna ang katawan sa kakatrabaho. Kailangan mo rin ng break. Huwag kang mangambang kakapusin ka dahil hindi tatalab β€˜yan sa isang taong masipag at matiyaga. Bawasan din ang sobrang pagbibigay at baka ang mapagbigyan ay hindi karapat-dapat bigyan.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Pag-aralang mabuti ang papasuking business sa susunod na taon. Isipin mong maigi kung ano ang dapat ilatag at kung sino ang taong kukunin. Kapag tama ang naging pasya, magtatagumpay ito. Huwag basta-basta isugal ang pera sa mga transaksyon hindi mo gamay. Baka mauwi lang ito sa wala.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Huwag mong husgahan ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang suot na damit. Kundi, sa kanyang pananalita at kilos ang isang bisita. Sa ganyang paraan ka rin kikilatisin. Matutupad mo ang isang pangako sa isang kaibigan na ipagkaloob ang kanyang masidhing hinihinging pabor.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Nararapat na magbagong buhay ka talaga ngayong bagong taon upang maging maayos ang takbo ng iyong buhay at ng iyong pamilya. Dahil kung hindi, walang magbabago at hayahay pa rin ang buhay. Kung ano ang kinaaayawan sa iyo ng iyong kasuyo ay pilitin mong huwag gawin. Hayaan mong ikaw naman ang mangunsimisyon sa kanya, este ang pilitin mong ikaw ang bumawi sa kanya.