HOROSCOPE DECEMBER 6, 2020

HOROSCOPE DECEMBER 6, 2020

December 6, 2020 @ 7:00 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kailangan ang matibay na tiwala sa sarili at pag-asa upang maabot ang inaasam-asam na tagumpay. Walang dapat ipag-alinlangan sa kasuyo o minamahal kahit mayroon mang namamagitang tampuhan.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kalimutan ang baluktot o negatibong plano sa araw na ito upang hindi magsisi sa bandang huli. Magtiwala sa kakayahan at talento upang hindi mahulog sa pagkakasala.

 

 

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Magagawan ng aksyon o paraan ang anomang kakulangan sa pagpapagamot ng kamag-anak o kapamilya. Magiging magaan ang kalooban sa pagtitiwala sa Maykapal.

 

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Sa araw na ito, makaiiwas na magkaroon ng problema sa mga kasamahan sa trabaho. Malamang maatraso ang inaasahang tulong kaya kinakailangang gumawa ng sariling diskarte.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Sa larangan ng pag-ibig, ang pagiging masyadong praktikal ay pwedeng maging dahilan sa paglasap ng kalungkutan. Sa araw na ito, malamang may magandang balita na matanggap sa isang kaibigan o kasamahan sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ngayon na magkakaroon ng pagkakataon upang mabigyang-linaw ang suliraning kinasasangkutan ng sariling damdamin. Maglaan ng panahon upang mapag-aralan ang mga bagay na malabo sa pang-unawa.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Pag-inga­tan ang pakikipagrelasyon sa mga kaibigan at kakilala na maaaring makapag-akay sa maling landas. Sa araw na ito makikita ang mabuting bunga ng pagbibigay ng panahon at halaga sa sariling pamilya.

 

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi masama na itaguyod ang kabutihan o kapakanan ng ibang tao subalit dapat unahin ang sariling pamilya. Sa walang asawa, huwag maging mapusok upang hindi masubo sa isang relasyong na hindi tunay ang damdamin.



 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) —  Maaaring magkaroon ng sakripisyo ngayong araw upang patunayan sa itinatangi ng puso ang mabuting hangarin. Ituloy ang binabalak na pakikipagkita sa kaibigan na matagal nang hindi napapasyalan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Laging mangi­ngibabaw ang mabuting karakter sa kabila ng intriga sa kinabibilangang sirkulo. Makababawi ngayon sa mga pagkukulang sa mga taong nasa paligid.

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Mapakikinabangan ang planong pagdaragdag ng oras sa trabaho at pamilya. Makikilala ang tunay na ugali ng mga taong kasa-kasama sa araw-araw. Huwag maging maramdamin para makamit ang minimithing tagumpay.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mapaliligaya sa araw na ito ang buong pamilya kahit sa simpleng paglalaan ng oras o araw sa pakikipag-bonding. Huwag hayaang mapangibabawan ng tukso ang puso at isip nang hindi masira ang relasyon sa pamilya.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...