HOROSCOPE DECEMBER 6, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 6, 2021

December 6, 2021 @ 7:00 AM 2 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Magiging maramdamin sa mga kaibigan at kasamahan sa traba-ho. Sa bandang hapon ay liligaya sa piling ng minamahal kung aalisin ang sumpong.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maging maingat sa pagbibitiw ng mga salita na maaaring makasira sa pagkatao at maaaring makaapekto sa career o negosyo. Dapat maging tapat din sa pakikipag-usap.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Pakinggan ang kahilingan ng mga miyembro ng pamilya sa dapat isagawang mga pagbabago sa loob ng tahanan. Hindi dapat solohin ang pagdedesisyon sa mabibigat na usapin.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa araw na ito maisasakatuparan ang isang plano na matagal nang balak gawin. Maging ang mga kapamilya ay magkakaroon ng malaking pakinabang sa bunga ng tagumpay.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung magiging maunawain ay makikita ang kahalagahan sa buhay ng minamahal. Kung walang asawa, sa ngalan ng pag-ibig ay magiging maligaya sa araw na ito.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ipagpatuloy ang nasimulang proyekto kahit sa pakiramdam ay matatalo sa pakinabang. Ang mga nagtatagumpay sa buhay ay lagi nang pasulong ang mga hakbang.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ngayon ang tamang panahon upang mapalawak ang karanasan at kaalaman sa paghahanapbuhay o pagnenegosyo. Hindi dapat umasa sa ipinapakitang malasakit ng iba.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Dapat maging bukas ang isipan sa payo at suhestiyon ng malalapit na kaibigan na may kinalaman sa career o trabaho. Kung may suliranin sa pag-ibig, sariling damdamin ang dapat magpasya.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ipaglaban ang pansariling kapakanan kung sakaling masasapawan ng interes ng iba. Pumapabor sa araw na ito ang mga pagkakataon para pakinabangan ang angking kakayahan.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Kung hindi susuko sa mga pagsisikap sa kabila ng mga hadlang at pagsubok ay mararating ang inaasam na pag-asenso. Magiging masaya ang minamahal dahil sa pagiging mapagbigay at mapagparaya.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Hindi makukuha ang pagmamahal ng sapilitan at pagiging mapusok kundi sa tiyaga at kabutihan. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pagdedesisyon nang magkaroon ng kapayapaan ng isip at damdamin.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Sa halip na damdamin ang pamumuna ng ibang tao sa paligid, tingnan kung paano higit na mapagbubuti ang mga gawa. Ang pag-asenso ay nasa sariling mga kamay.