HOROSCOPE DECEMBER 8, 2021

HOROSCOPE DECEMBER 8, 2021

December 8, 2021 @ 7:00 AM 2 months ago


SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) May mararanasan kang kakaiba sa pakiramdam na ikaw ay parang nalulungkot na hindi mo maintindihan. Upang ito ay maiwasan, mas makabubuti kung lalabas kasama ang pamilya o mga kaibigan upang malibang.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Masaya ang magiging bonding n’yo ng taong pinakamamahal mo. Magiging makulay ang bawat oras at maganda ang tingin mo sa paligid kaya naman hindi mo na maaalintana ang mga problema na kinakaharap.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi mo inaasahan kung sino ang makikita mo sa araw na ito. Malilito ka sa dapat mong maramdaman kung dapat mo ba itong ikatuwa o hindi. Maraming alaala ang magbabalik sa’yo na dala-dala ng taong ito.

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May mao-overlook ka sa iyong trabaho kaya kakailanganin mo na balikan ang simula at isa-isahin ang mga detalye. Kahit ayaw mo ay hindi pwedeng hindi mo ito gawin. Dito nakasalalay ang performance mo na inoobserbahan ng nakatataas.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Dahil sa tindi ng emosyon na mararamdaman mo ay makapagbibitaw ka ng mga salita na hindi maganda sa pandinig ng iyong kausap. Kahit hindi mo pa ito sinasadya ay kakailanganin mo pa rin na humingi ng dispensa.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Sa halip na magalit ay awa ang mararamdaman mo para sa isang kamag-anak na nanloko sa’yo sa pera. Maiintindihan mo na nagawa niya ‘yon dahil sa bigat ng pinagdaraanan niya ngayon kaya lalawakan mo na lang ang iyong pang-unawa.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi mo maiiwasan ang mga negatibong tao sa araw na ito. Subalit may paraan upang hindi tuluyang masira ang maghapon mo dahil sa kanila. Sa halip ay pwede mo silang i-reverse psychology nang sa gayon ay umayon sila sa’yo.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Dalawang tao ang magpapakita ng interes sa’yo. Kung hindi ka interesado kaninuman sa kanila ay dapat lang na hindi mo sila paasahin. Mas makabubuti kung hangga’t maaga ay magiging malinaw sa kanila ang damdamin mo.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang pagbabago ng desisyon mo ang siyang magsasalba sa’yo sa isang kahiya-hiyang sitwasyon na sana ay kasasadlakan mo. Malaki ang maitutulong sa’yo ng mga kaibigan mo na siyang nagbibigay sa’yo ng mga magagandang payo.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Medyo matatagalan pa bago dumating ang hinihintay mong malaking proyekto. Marami ka pa namang pinagkakaabalahan sa ngayon kaya roon mo na muna ituon ang atensyon mo. Mapapasa’yo rin kung ano ang para sa’yo.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Ang oportunidad na pinakahihintay mo noong nakaraang buwan pa ay kakatok sa pintuan mo ngayon. Huwag na huwag itong pakakawalan dahil ngayon lamang ito daraan para sa’yo kaya hindi mo dapat palampasin.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Matapos ang mabigat na pakiramdam nitong mga nakaraang araw, sa wakas ay mapapalitan na ngayon ng kasiglahan. Magagawa mo na ngayon ang mga nais mong gawin kabilang na ang mga nakabinbing trabaho.