HOROSCOPE DECEMBER 9, 2022

HOROSCOPE DECEMBER 9, 2022

December 9, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Lahat ng gawain ngayon ay nakatuon sa pagkamit ng m agandang kinabukasan. Sa sobrang pagpansin sa isang bagay ay may makaliligtaan na lalong mas mahalaga. Tiyaking naasikaso mong lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa iyo. Maging ito man ay kaanak, kaibigan, kakilala o kasamahan sa trabaho. Sa mismong araw ng Noche Buena, baka makipagbalikan na sa iyo ang iyong nobya.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Iwasan mong magmadali dahil baka lalo lamang magkamali.Huwag hintaying mawala ang isang bagay bago mapagtanto ang kahalagahan nito. Magbubunga ng maganda ang iyong pagsisikap at malikhaing pagggawa. Kalauna’y mapapansin din ito ng ibang tao, lalo na yung hindi mo naman kaano-ano. Maghahatid ito sa iyo ng bagong karera, biyaya at pagpapala.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Maraming daan ang landas ng tagumpay. Subalit, ang nag-iisang landas na sadyang inilaan para sa iyo ang siya mo pang kinatatakutang tahakin at ayaw subukan. Kailangan mo lamang ng tiwala sa magagawa ng Diyos, sa Kanyang ibinigay sa iyong talento at kakayahan. Huwag kang masyadong umasta o kumilos na parang bulateng natitibe at kiti-kiting β€˜di mapakali kung nakatanggap ng malaking halaga. Simple lang ang kilos. Baka kasi, madulas ka at salitain mo ito sa iba. Maglihim para di maubos ang biyaya.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Alalahaning hindi lahat ng solusyon sa problema ay makukuha lamang sa isang iglap. Hindi β€˜yan parang gamot na fast relief. Kalimitang mahihirapan muna bago makamit ang gusto. Pero, mas doble pa ang iyong makakamit. Kung gusto mo manalo sa raffle sa party n’yo ng major prizes, huwag itong hangarin. Mas kakapit ang suwerte sa mag-iisnab dito kaysa sa naghahabol dito. Easy ka lang, hayaan mo lang na matawag ang pangalan mo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Kung hindi mo type ang nasa iyo, hanapan ng paraan upang makamit ang gusto sa maganda at malinis na paraan. Iwasang manira ng kapwa dahil sa inggit. Kung alam mo sa sarili mo na bida ka, panindigan ito. Hayaan mo ang iba at makikita ng tao ang kaibahan mo sa kanila. Iwasan ang sobrang pag-inom ng kape, iyong tipong nakakaisang pitsel ka na sa maghapon kung pagsasama-samahin ang ininom mo. Itabi ang perang matatanggap at huwag bumili ng di kailangan. Mas mainam na pagkain na lang ang bilhin mo.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Ang tagumpay sa larangan ng pag-ibig ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lakasan ang iyong loob at palawakin ang nalalaman at kabutihan. Hindi lahat ay madadaan sa malaking pera, kundi sa kung papaano magiging masaya ang iyong sinusuyo. Kapag lagi siyang masaya at enjoy siya kapag kasama ka, may pag-asang maging kayo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Β Matuto kang sumayaw at makisabay sa agos ng buhay at ng kasalukuyan. Kung hindi man, matutong respetuhin ang lahat anoman ang henerasyon. Marami ka pang dapat pag-aralang mga bagay-bagay bago maging dalubhasa sa mga kasanayan. Makatutulong din ang payo at gabay ng mga nakatatandang kaibigan. Kapag natanggap mo na ang bonus mo, tiyak na papansinin ka na ng crush mo. Unawain mo na lang, kasi, gusto rin niyan na mabusog kapag kausap ka, hindi yung mag-uusap lang kayo at ang kutkutin ay sitsirya.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Panatilihing nasa maayos ang mga bagay at maging positibo ang pananaw. Kasi, magugulat ka na lang kung papaano ito makatutulong sa magandang pagbabago sa iyong buhay. Kung talagang desidido kang magtiis at makatipid, mainam na sumakay ka ng bus carousel na lumalarga nan g 24 oras sa loob ng 7 araw. Ang perang matitipid mo rito ay maaari mong pambili ng isang rim ng sigarilyo.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Kung alam mo ang tamang paraan patungo sa tagumpay, ikaw ay makararating doon nang walang hadlang o sagabal. Subalit, may dapat ka pang alamin para sa pasikot-sikot para rito at hindi ito basta makukuha sa short cut lang. Huwag kang maiinip sa paparating na pera para sa iyo. Ibibigay ito sa iyo sa isang sorpresang paraan.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Tiyaking may kakayahan na pamunuan ang lahat ng iyong kasama sa isang binabalak na proyekto. Nang sa gayun ay maging maayos ang magulong sitwasyon. Sa kabila nang kalituhan, mapagtatantong nasa iyong kamay ang pagkontrol. Isama sa caroling ang may boses at hindi boses palakang kinikiliti. Kung marunong silang sumayaw, pasayawin na lang, habang kumakanta ay yaong may talagang may boses.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” May manghihingi sa iyo ng payo tungkol sa pag-ibig o personal na problema. Malaking tulong ang maibibigay mo sa kanya. Makatutulong din ang ilang kaibigan at kasama sa work na may zodiac sign na Taurus at Sagittarius. Makatutulong mo sila upang masuwag at mapana ninyo ang mga major prizes sa parlor games sa gaganaping Christmas party ninyo.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Huwag pansinin ang anomang masasakit na salitang maririnig sa tahanan. Makasisira lamang ito ng iyong araw at gugulo ang diskarte mo. Ganoon talaga si misis, mainit ang ulo kapag paubos o wala nang pera. Kaya, ibigay mo na ang bonus mo sa kanya kahit 60 percent lang. Para hindi ka na talakan, masakit magsabi pero malambing. Pagsikapan pa ang pagtatrabaho dahil malaki ang tsansang ma-promote sa puwesto.