HOROSCOPE FEBRUARY 1, 2022

HOROSCOPE FEBRUARY 1, 2022

February 1, 2022 @ 7:00 AM 8 months ago


 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Maganda ka saka sweet. Pero, nagtataka ka kung bakit walang nanliligaw sa iyo. Ikaw ba naman na mayaman ang pamilya saka pang-artistahin ang dating. Intimidated lang ang boys sa iyo. Tanggapin mo rin na hindi mo ka-level ang mga iyon. May taong sadyang bagay sa iyo at sa estado ng buhay mo. Reality ‘yan. Darating na siya sa buhay mo ngayong buwan.

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maglalahong parang bula ang iyong mga problema. Basta think positive ka lang. Isipin mo na may liwanag sa bawat hangganan ng mga tunnel. Bibigyan ka na ng break ng nasa itaas.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Bago ka manligaw, iho, isipin mo muna ang disposisyon mo sa buhay. Hindi porke may hitsura ka sige na lang ng sige. Kaya, kahit pogi ka walang magkamali sa iyo. Magtrabaho ka at maging responsable. Kapag ‘yan ang nangyari sa iyo, babae na ang maghahabol.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Iwasan mong magtanim ng galit o poot. Walang maidudulot ‘yan na mabuti. Huwag kang mag-alala, susuko rin ang mga lihim na nang-aalipusta sa iyo. Manahimik ka lang at tiyak na sila ang mas apektado. Ikaw rin ang magtatagumpay at pagpapalain.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Matagal nang panahong wala ang taong mahal mo. Aminin mong nagkamali ka at ipinagpalit mo siya sa iba noon. Pero, may pagkakataon pa para sa inyong dalawa. Magparamdam ka at matutuwa siya. Tiyak na maipagpapatuloy n’yo ang pagmamahalan ninyo noon.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Sa halip na kumuha ka ng sekyu, mag-alaga ka na lang ng tatlong aso. Doberman, German Shepherd saka Labrador. Wala ka pang poproblemahing pampasuweldo. Maging simple ka lang kasi, Kahit may pera ka, purmorma, umasta at kumilos na walang pera. Para ‘di ka pag-isipan ng masama ng mga taong nakapaligid sa iyo.

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang totoong marunong ay ‘yung taong bobo. Kabaliktaran ito ng isang taong nagmamarunong lang. Panatilihin ang pag-observed at absorbed ng mga kaalaman mula sa matatalinong tao. magagamit mo iyan sa iyong mga ideya sa pagsusulat ng kwento at mga proyekto.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Mahalagang ayusin at tapusin mo na ang mga bagay na iyong nasimulan. Matatapos mo ito ng walang kahirap-hirap ng wala sa deadline. Panahon na rin upang magrelaks ka. Bigyan ng reward ang sarili at ang iyong pamilya na bunga ng iyong pinagsikapan.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Sasama ang loob mo dahil hayop ang turing ng ibang tao sa iyo. Kasi, likas kang mapagpakumbaba at mabait. Hayaan mo sila. ‘Di nila arok ang kakayahan at talino mo. Gayunman, nahihirapan ang kanilang kalooban sa iyong patuloy na pananahimik.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi pa huli ang lahat upang ituwid ang iyong pagkakamali. Lahat naman ay nagkakasala. Pero, mapagbibigyan ka pa kung magpaparamdam ka sa taong nagawan mo ng hindi tama. Muling babalik ang sarap ng samahan ninyong magkaibigan kapag ibinaba mo ang iyong pride. Miss ka na rin niya kasi at ang mga dati n’yong ginagawa. Hinihintay ka lang niyang magparamdam.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ang kalungkutan ay hindi permanente. Kaya, iwasang magmukmok. Sunod-sunod na kaligayahan na ang iyong mararamdaman sa susunod na buwan. Isang kaibigan ang magpapautang sa iyo kaugnay sa binabalak na pagtatayo ng business.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Huli ka man sa survey, huwag mag-alala. Survey lang ‘yan. Ikaw pa rin ang pipiliin ng mga taga-barangay n’yo. Nilalaro lang nila ang mga maruruming maglarong politiko. Pero, ikaw pa rin ang nasa puso nilang iboto at mananalo ka.