HOROSCOPE FEBRUARY 1, 2023

HOROSCOPE FEBRUARY 1, 2023

February 1, 2023 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Ang perang hiniram sa isang kakilala na nanghiram din sa iba upang may maibigay sa iyo; ibalik agad kahit wala sa itinakdang araw na kailangan niya ito. Gawin iyan kapag dumating na ang salapi sa iyong palad.Sa ganitong paraan mo inililigtas ang iyong sarili at ang isang kaibigan sa iskandalo at kahihiyan. Ganito rin ang gagawin niya sa iyo kapag nagpalit kayo ng sitwasyon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Maganda o mainam ang ginagawa mong pagpapakumbaba. Na kahit may pera ka na sinasabi mong kaunti at kailangan mo pa ng extra raket. Ang sipag, diskarte at pagtitiyaga ang magbibigay sa iyo ng grasya. Ayusin mo ang iyong pisikal na hitsura. Isa rin ito sa tinitingnan sa iyo. Baka isipin nila na wasted ka dahil sa bukod sa mahaba na ang iyong buhok makapal na rin ang iyong bigote at balbas.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung babalik o bibisita ka sa isang lugar na dating bahagi ng buhay mo, tiyaking may ibubuga ka na o maunlad na ang iyong lagay. Sa gayun hindi ka pa rin kantiyawan na walang disposisyon sa buhay o tambay habambuhay. At least, naiingat mo ang sarili mo at ang pamilya mo. Pagbutihin pa ang trabaho upang ‘di mapatid ang pagdaloy ng mga biyaya.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kung sa pakiramdam mo hindi mapangyayari ang isang hinihinging pabor sa isang tao, maging maagap sa pagsasabi nito agad sa kanya. Sa gayun, hindi ka makompriso sa alanganin. Tiyaking matatapos ang ipinapagawa sa takdang oras o mas maaga pa sa panahong ibibigay. Sa ganitong paraan mo pinapakita na kalidad ng trabaho ang sumasalamin sa iyong pagkatao at hindi pera-pera lamang.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung mahal mo pa siya hanggang ngayon, walang ibang mabuting gawin kundi matyagan siya kung mayroon nang nagmamay-ari ng kanyang puso. Kung hindi mo kasi ito gagawin ito, baka ikaw rin ang magsisisi sa huli. Kasi siya ang makapagpapakumpleto ng missing pieces ng buhay mo. Kaya kilos na at may feelings pa rin naman siya sa iyo hanggang ngayon.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung nanlalamig na kayo sa isa’t isa ng iyong minamahal, huwag nyong hayaang tuluyang mawala ang liyab ng apoy sa sulo. Marami ang maaapektuhan kapag tuluyan kayong nagkahiwalay. Isang tao ang mamagitan sa inyo upang muling manumbalik ang alab ng iyong pagmamahal sa iyong kasuyo.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Mag-ingat sa mga taong kakakilala pa lang pero ilang araw lang ang lilipas pera agad ang bungad sa iyo. Iyong uutang agad sa iyo. Buti sana kung siya ang magbibigay ng pera. Hangga’t maaari iwasan mo ito dahil sasakit lang ang ulo mo sa mga ganitong tao. Makabuluhan ang gagawing paglalakbay ngayon sa ‘di naman kalayuang lugar upang libangin ang sarili.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung patuloy kang lilingon sa nakaraan at hindi pa makalimot, malaki ang magiging epekto nito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Mainam na ang mga masasaya ang iyong lingunin. Kung nami-miss mo ang iyong mga kaibigan noong high school, mag-set-up kayo ng reunion ngayong taon. Makapagbibigay ito sa iyo ng kakaibang sigla at kaligayahan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi liligaya ang isang taong may kinikimkim na galit sa mahabang panahon. Ito ang feelings sa iyo ng isang taong naging bahagi noon ng iyong buhay. Makabubuting ikaw na ang mag-approach sa kanya at humingi ng tawad kahit na may pagkakamali rin siya sa iyo. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, mabubuo mula rito ang isang bagong simula. Ang pagpapatuloy ng inyong love story.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung ayaw mong kumilos ngayon, isipin mo ang iyong mga mahal sa buhay at pamilya. Kung manhid ka pa hanggang sa mga sinasabi ng iba, isipin mo sila dahil nasasaktan din sila. Ikaw ang kanilang sandalan at ipakita mo ang totoong kakayahan mo at kung sino ka sa lipunan. Kapag ikaw ang kikilos, nandyan agad ang grasya at biyaya dahil sa iyong husay at diskarte.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Kung may sinabi sa iyong problema ang iyong bestfriend, huwag mo na itong ipangangalandakan pa sa iba. Lalo na kung confidential at tungkol sa pinansiyal. Para mo na siyang pinaglakad ng hubo’t hubad na pinagpipiyestahan ng madla. Sa halip, damayan siya na hindi na dapat malaman ng iba. Ganito ang pagpapakita ng magandang ugali ng isang kaibigan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Huwag pasanin lahat sa iyong balikat ang gawain o tasks sa inyong work. Mas matagal itong matapos kung ikaw lang ang gagawa. Sabihin mo ito sa iba na kabatak mo at iyong tipong hindi ganitong ‘di mapakiusapan. Tiyak naman tutulungan ka nila at naghihintay lang sila na magsabi ka sa kanila. Mas magiging malapit ka rin sa iba kung i-o-open mo ito.