HOROSCOPE FEBRUARY 15, 2023

HOROSCOPE FEBRUARY 15, 2023

February 15, 2023 @ 7:00 AM 1 month ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Huwag kang makipagdiskusyon sa isang taong ubod ng hambog. Huwag ding sasang-ayon sa kanyang mga mali-maling pinagsasasabi na nagpapasikat lang. Pero, wala palang gaanong alam. Kahit medyo hawig mo si Ernie ng Sesame Street, marami ang nagkaka-crush sa iyo. Isa pa, may napupulot na kaalaman at impormasyon ang mga tao kapag kausap ka.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Akala ng mga taong hindi nakakakilala sa iyo ay pangit ka. Kasi, hindi ka photogenic at telegenic. Kasi, hindi ka naman gumagamit ng filter. Kaya, magsisisi ang isang taong humamak sa iyo sa pag-iisip nito na pangit ka. Pero, artistahin pala. Ang pagiging natural mo at pagiging totoong tao ang maghahatid sa iyo ng tagumpay ngayong taon.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Hindi porke maginaw ngayon ay hindi ka na maliligo. Maligo ka kasi yayayain kang mag-date ng loves mo. Mag-init ka na lang ng tubig sa takure. Ang ginagawa o pinagkakaabalahang bagay ay maghahatid sa iyo ng bagong inspirasyon at kaaliwan. Bukod sa gusto mo ito ay mapagkakakitaan mo pa.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Hindi porke mahal ngayon ang sibuyas ay papatol ka na sa taong amoy sibuyas. Porke ba may pera? Gayundin sa amoy tulok. Huwag kang patatangay sa agos na porke may mga kasintahan na ang mga kaibigan mo’y makikisabay ka na rin sa kanila. Hintayin mo ang taong talagang magugustuhan at mamahalin mo. Makikilala mo na siya ngayong taon.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Huwag mong husgahan ang isang magandang dilag na maaamoy mong mabaho ang hininga ngayon. Kumain kasi siya ng santol at mangga na may kasamang bagoong. Ang matagal nang nilalakad na dokumento ay maaayos na. Kaya matutuwa sa iyo ang lola mo dahil makukuha na nito ang ayuda niya.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Isang paanyaya ng kaibigan ang hindi mo matatanggihan kahit na ito’y labag sa iyong kalooban. Ngunit, sa bandang huli ay masasabi mong okay pala. Huwag ka namang sasama sa paanyaya ng isang kaibigan na ni ‘ho’ o ni ‘ha’ ay hindi ka kinibo ng matagal. Pero, biglang umamo at lumapit sa iyo. Baka pasa-salihin ka lang nito sa networking.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Ke uulan o hindi ngayong araw, magdala ka pa rin ng payong. Ito ay magiging iyong proteksyon. Kung may pera, ibili ito ng pagkain kaysa sa kolorete sa mukha. Hindi naman kasi bagay sa iyo ang mga ganu’n pa kasi gandang Pinay ka. Kung kakain ka sa fastfood, tumingin ka muna sa ibaba at huwag sa sekyu. Baka makapulot ka ng pera.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Mag-iingat ka sa paglakad sa kalsada ngayon. Baka mapaano ka. Baka mabiktima ka ng prank at ng praktical jokes. Kaya, huwag mainit ang ulo. May mabuting bagay ka namang magagawa sa bandang hapon na maghahatid sa iyo ng biyaya.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Magiging sikat ka sa barangay ninyo ilang buwan mula ngayon. Kasi, kamukha mo raw si Steve ng Voltez V. Hindi si Miguel Tanfelix ha! Kundi β€˜yung mismong si Steve, β€˜yung mukha nito sa nasabing anime. Huwag ka na ring magpanggap na wala kang gusto sa tindera ng balut sa kanto n’yo. Bagay naman kayo, bakit nag-iinarte ka pa.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Maghulos-dili ka naman. Ang mahal-mahal ng ticket sa concert ng Blank Pink, pipilitin mo ang nanay mo na mangutang. Ikaw na lang kaya ang mangutang! Saka huwag mong tataluhin ang matrikula mo para lang pambili ng ticket ha! Sumali ka sa mga contest o pakulo para manalo ng ticket nila. Tiyak na susuwertihin ka.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” May lihim na tampo sa iyo ang mahal mong may half-Chinese na fan ng Bay Area Dragons. Talo na nga ang manok nito, inookray mo pa hanggang ngayon. Huwag mo na siyang asarin. Tapos na ang laban ‘e. May makikita kang mahalagang bagay sa bahay n’yo na magiging daan ng reunion ninyong mag-anak.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Ang mga bagay na hindi pinapansin ay siya palang magbibigay ng solusyon sa iyong problema. Kaya, huwag basta-basta itapon ang mga bagay sa bahay na akala mo ay wala nang pakinabang. Baka ang mga nakalagay na alahas sa garapon ay may value pala. Iwasang uminom ng alak ngayon. Kasi magiging wirdo ka kapag lasing.