![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Hangga’t maaari sa nagkakaedad nang tulad mo, iwasan ang mag-iiinom ng kape. Baka maihi ka nang maihi lalo na sa gabi. Kung isasangla sa iyo ang lupa o ari-arian, siyasatin mong mabuti kung ito ay legit o peke. Gayundin sa pagbili ng lupa. May papasok na grasyang ‘di inaasahan ngayong linggo. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Kahit medyo masama ang pakiramdam mo, pilitin mong magtrabaho at ipakitang mag-e-effort ka. Pahinga o tulog lang ang solusyon sa pagod na katawan. Pero, kung malala na rito gaya ng lagnat, huwag ka munang pumasok. Tipirin ang biyayang natatanggap at huwag ka munang mag-window shopping. Sa gayun, ‘di ka matuksong bumili ng bagay na hindi naman kailangan. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kung nahihirapan na ang nagdadalantaong misis mo sa mga gawaing bahay, maigi na kumuha na kayo ng kasambahay. Huwag lang maganda at seksi para di ka niya mahampas ng kaldero. Hangga’t maaari ay kilala na ninyo o malayong kaanak. Tanggapin ang mga nakaambang raket dahil kailangan mo ito sa panahon ngayon. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ipapahamak ka ng iyong panaginip, pero may maganda naman itong kapalit. Mabubuking ng mga kaibigan mong kasama mo sa dormitory kung sino ang crush mo. Kasi, sinasambit mo ang pangalan niya habang nananaginip ka. Ang maganda lang, kapag kumalat na ito opisina o iskul, malalaman mo na ang crush mo ay patay na patay rin pala sa iyo. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mahaharap ka sa isang sitwasyong hindi mo magugustuhan. Ngunit, makabubuti ang pagkakataong iyon sa iyo. Ang kasipagan sa gawaing pangsibiko ay may mabuting pakinabang kahit hindi ka nag-iisip ng kapurihan. Inihahanda ka nito at itutulak ka ng mga taga-barangay n’yo sa mas malawak pang tungkulin. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Iwasang mong magpabasa sa ulan at baka dumami ka;este, baka magkasakit ka. Ang pakikipagtalastasan sa isang kaibigang nahingan ng malaking utang na loob ay panatilihin. Sa gayun ay makikinabang ka. Baka pagkatiwalaan ka niya sa isang itatayo niyang negosyo o transaksiyon. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Kung maglalakbay sa malayo, umuwi agad upang makapahinga at magrelaks. Huwag ka munang sumama sa mga kaibigan mo sa trabaho na gumimik o mag-hang-out. Sayang kasi ang pera at oras. May mabuting idudulot ang pagsasabi ng totoo sa iyong boss kapag nagkamali ka. Nagtitiwala kasi siya sa gayung tao kaysa sa itinatago ang pagkakamali. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Okay ‘yung habang nagtatrabaho kayo ng mga kasamahan mo, nagkukuwentuhan kayo. Kaysa sa kuwentuhan lang. Ayusin at puliduhin lang ang trabaho para matuwa ang nagpapagawa at ang boss n’yo. Ang pagtulong sa isang kapus-palad ay may biyayang kapalit. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung palikera’t palikero ka nun, huwag mo nang gawin iyon ngayon. Baka ang talagang taong magustuhan mo ay siyang ayaw pa sa iyo. Magseryoso sa pag-ibig. Hindi laruan ang puso kaya huwag mong paglaruan ang damdamin ng iba. Huwag ding paasahin ang mga taong ayaw mo, pero nagbibigay ka pa ng motibo. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Buwenas ka sa unang date nyo ng bago mong hubby. Kasi, libre ka niya at masasarap na pagkain ang oorderin nito.Pero, tablan ka naman ng hiya kahit papaano. Kahit ikaw na ang sumagot sa dessert n’yo, gawin mo. May pakinabang sa pag-eehersisyo kahit isang beses lang sa isang linggo. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Kapag niyaya ka ng isang kaibigan mong tsismosa na sumali sa paluwagan, huwag kang sasali. Pasikipan na lang, ah este, pagsikapan mo talagang kumita ng pera. Sa gayun ay hindi ka umasa sa walang katiyakang bagay. Ilagak ang pera sa bangko. Huwag ding isasangla ang ATM kapag nagipit. Mangutang ka na lang sa Bombay na may gusto sa iyo. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Kung sasali ka sa isang patimpalak, ibigay mo na ang da best mo. Total, nandun ka na rin lang, pilitin mo nang manalo kaysa sa nakasali ka lang. Kapag nagkataon, may pag-asa kang manalo. Makikita mo ang taong kinaiinisan mo sa LRT. Pero, babatiin ka nito. Huwag mo namang isnabin dahil may meryendang naghihintay sa iyo. |