HOROSCOPE FEBRUARY 18, 2023

HOROSCOPE FEBRUARY 18, 2023

February 18, 2023 @ 7:00 AM 1 month ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Huwag n’yong masyadong ikulong ang inyong anak sa isang silid na para nang hawla ng ibon sa kanya. Huwag n’yong itaas ang standard kung ano ang estado niya sa eskuwelahan. Baka nahihirapan na siya at hindi n’yo alam, nagkakaroon nang depresyon. Umasa kung ano ang kanyang magawa sa abot ng kanyang makakaya. Baka sa sobra niyang pagbungkal ng karunungan ay baka maapektuhan ang kanyang katinuan.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ang likas na kababang-loob, nabibigyan minsan ng ibang tao ng ibang interprestasyon. Baka akala nila ay mahina ang ulo mo o walang pinag-aralan. Hayaan mong sila dahil ikapapahamak nila ito. Magsisilbi mong pain sa kanila at kapag may isang handaan, malalaman sa kanilang pananalita na sila pala ang walang alam at salat sa pera.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasan ang magkukusa ka tapos mabigat sa loob mo. ‘Yung dadabog-dabog kapag kumikilos dahil pangit itong paggawi. Dapat magaan sa loob at gusto mo ang iyong ginagawa. Huwag mo ring bibilangin ang iyong mabuting nagawa at ikumpara ang sarili sa ibang tao. May magandang asal at may pinag-aralan. Kaya, huwag mong i-level ang sarili sa mga taong barubal at burara.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kung may hindi kayo pagkakaunawaang magkasuyo sa loob ng tahanan, pag-usapan ninyo ito at huwag magpataasan ng boses sa harapan o lantad ng ibang tao. Sapagkat, hindi ito gawi ng isang taong sibilisado. Sa halip na magpasiklaban sa laki ng suweldo sa isa’t isa, dapat ay matuwa dahil magiging madali ang pagdadala ng pamumuhay ng inyong sambahayan dahil sa malaking biyayang inyong natatanggap.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang pagpapantasya mo noon sa kanya na maging kayo at magkakaroon ng katuparan. Ito ay dahil sa isang pagkakataong magugustuhan niya ang iyong presensya at pagmamalasakit sa kanya. Kung may mga bagay ka na hindi nauunawaan o naiintindihan sa task na iniatang sa iyo sa trabaho, huwag mahiyang magtanong upang nalaman mo kung ano talaga ito. Sa gayun ay magawa mo ng maayos ang iyong trabaho.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Mas maiging ikaw ang magdomina sa isang proyekto kaysa sa iba na puro pagpapaimbabaw at sariling interes ang nasa isip. Ipakita mo na ang isang lingkod bayan, habang tumataas ang tungkulin ay lumalaki rin ang responsibilidad sa bayan. Huwag mong gayahin ang iba na nag-aastang hari at celebrity gayung sila ay lingkod bayan.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Darating din ang panahon, o ipinagmamadali na nga; na ang mga taong nanliliit, umaalispusta at humahamak sa iyong pagkatao ay mananahimik. Kahit hindi mo ito hinihiling ay igagawad sa kanila ng langit ang hatol. Gayunman, sa halip na magdiwang ka ay idalangin mo bilang ganti na maging kasundo at kaibigan mo ang mga taong iyon. Sa ganito ay kalulugdan ka ng Diyos at pagpapalain.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Mapaglaro sa iyo ngayon ang tadhana. Kaya, hindi ka makaiiwas sa gagawin nito sa iyong lovelife. Kung sino pa ang ayaw mo, siya pa pala ang magiging bagay at compatible sa iyo. Ang hindi natapos na gawain ay huwag madaliing tapusin. Gawin mo itong pulido at maayos. Gawin mo ito dahil malayo pa naman ang deadline.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung sa tingin mo ay hindi ka nakatitiyak na tutuparin ng isang kaibigan ang isang pangako, maiging huwag ka nang umasa. Kaysa sa patuloy kang gayun na may kinikimkim naman na hinanakit at bigat ng loob. Para sure kang tuparin niya ito, makabubuting i-follow-up mo para maalala niya.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — May mga bagay sa mundo na mahirap minsan ipaliwanag. Gaya ng iyong nararamdaman ngayon. Masaya ka na malungkot. Nasasaktan pero masaya. Nawalan pero nakadarama ng ginhawa at kakaibang paglaya. Ito rin ang araw na dapat kang maging matigas minsan dahil ang ibang taong nakapaligid sa iyo ay momolestiyahin ka lang. Kontrolin mo ang pagiging mabait dahil nakasasama ito minsan.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Mas mainam kung lumingon kang palayo sa kanya kaysa sa malapitan. Sa gayun, hindi mahahalata ng crush mo na talagang may gusto ka sa kanya.Ganito ang gawin mo kapag uwian na. Ang pagiging tapat sa trabaho, may nakakakita man o wala ay gawin at panatilihin. May gantimpalang kapalit ito sa mga susunod na araw.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Inlove ka nitong mga nagdaang mga araw. Pero, hinay-hinay ka lang at baka ikaw rin ang mabilaukan niyan. Dahil sa edad mo ngayon, wala pang katiyakan kung saan hahantong iyan. Pag-aaral muna ang intindihin. Hindi naman masamang magkaroon ng crush. Bahagi ito ng buhay lalo na sa mga nagbibinata’t nagdadala-ga. Basta, alam mo ang limitasyon mo, hindi ka mapapahamak.