HOROSCOPE FEBRUARY 19, 2021

HOROSCOPE FEBRUARY 19, 2021

February 19, 2021 @ 7:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Sa lahat ng ginagawa, idagdag sa sipag at tiyaga ang puso. Ingatan na huwag malito sa pagharap sa mga problema upang matagpuan ang angkop na solusyon.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Isang aksidenteng sitwasyon ang maghahayag ng taglay na angking talino at pagiging malikhain sa nililinyahang trabaho. Iwasan ang pagiging magagalitin upang magtuloy-tuloy ang pag-asenso.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi makapananaig ang masasamang tao sa pagtataglay ng matalas at alistong isipan. Marami pang magagandang oportunidad ang darating sa trabaho.

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dahil sa patuloy na pagtanaw sa magandang buhay, makikita ang bunga ng mga pagsisikap. Makabubuti sa kabuhayan ng pamilya ang sama-samang pagkilos at pagtitipid.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ibayong kaligayahan ang mararamdaman bunga ng pagsaklolo sa kaibigang lugmok sa suliranin. Ang tagumpay ng iba’y magiging iyong tagumpay.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang ugat ng suliranin sa tahanan ay ang madalas na pagkontra sa opinyon ng kapamilya. Ngayon posibleng umunlad ang career o negosyo.

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Hindi sapat ang kutob ngayon upang pumasok sa isang kasunduan. Ilakip sa pagpapasya ang opinyon ng mga mahal sa buhay.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Iwaksi ang takot sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa buhay. Kinakailangan maging mapangahas paminsan-minsan at gawin ang inaakalang dapat gawin.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mataas ang tsansa na magkaroon ng problema kung hindi pipigilan ang dila. Makabubuti sa pangkabuhayan ang pagtutuon ng oras sa mga nakabiting gawain.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Mas bubuti ang relasyon sa minamahal kung iiwasang laging maging dominante. Ang pagiging prangka ay dapat lagyan ng limitasyon upang hindi makasakit ng damdamin.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) —  Pagtiyagaang turuan ang kasamahan sa trabaho na mahina ang tiwala sa sarili upang maging produktibo. Sa hinaharap, makababawi ang taong pinagmalasakitan.

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Sa araw na ito, matatagpuan ang gamot sa mga hinanakit ng kalooban sa pamamagitan ng kaibigan. Mapapalitan ng kaligayahan ang bawat kirot sa dibdib dahil sa pagpapatawad.

 

 


  •  
  •  
  •