HOROSCOPE FEBRUARY 2, 2022

HOROSCOPE FEBRUARY 2, 2022

February 2, 2022 @ 7:00 AM 8 months ago


 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kalimutan mo na ang nakaraan. Pareho kayong nagkamali ng iyong iniirog. May tamang tao na para sa iyo. Huwag mong hanapin sa taong ito ang mga katangiang namalas mo sa dating kasintahan. Kasi, higit na mas angat ang katangian niya kaysa sa ex mo.

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Kung gusto mong magsolian na kayo ng kandila ng beshy mo, go ahead. Kasi, nagkatampuhan lang kayo dahil sa pulitiko. Pero, tandaan n’yo, anong mangyayari after ng halalan? Huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang problema kundi siya. Matatauhan din siya kalaunan.

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€”Β  Masyado kang malulungkutin ngayon. Makabubuting manood ka ng nakatata- wang cartoon. Makatutulong iyon para sumaya ka. Mas lalo kang sasaya kung patatawarin mo na ang mga taong nagkasala sa iyo.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€”Β  Masyado kang sarcasm kung lumitanya. Kaya, nagtatampo ang iba sa iyong mga kaibigan. Pati GF mo, nagtatampo. Sabihan mo ba namang ‘yobabs’. Pero sa kabila nu’n, hinahanap-hanap naman nila ang mga pasakalye mo. Iwasan mo lang ang sobrang litanya na nakasasakit ng kalooban ng iyong kapwa.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Ang iyong hinanakit ay mapapalitan ng pagpapala. Makahuhukay ka ng antigong items sa bakuran ng inyong bahay. Ito ang magdadala sa iyo at sa pamilya mo ng kaginhawaan.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β β€” Hindi biro ang magpuyat. Kaya lang, idaan sa lugar ang pagpupuyat, β€˜yung β€˜di ka stress at haggard. Kung hindi naman alangan sa deadine ang kaunting pagrerelaks, gawin ito at matatapos mo naman ng mas maaga sa inaasahan ang iyong tasks.

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β β€” Maganda ka sana, kaso para kang si Chip and Dale kung magsalita. Nanuno ka ba? ‘E ang ganda-ganda at maayos naman ang mga ngipin mo, nagpalagay ka pa ng pangporma. Maging natural ka. Para good shot ka sa iyong crush.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)Β β€” Pera ang problema mo ngayon. Ikaw kasi, masyado kang impulse buyer. Pero, kung alam mong mahalaga naman ang binibili mo, then go ahead. Tutal hindi naman mapapatid ang pagdaloy ng salapi sa iyo dahil masipag at madiskarte ka.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Huwag magdamdam kung pakiramdam mo ay nao-offend ka. Ibang tao ang magtatanggol sa iyo. Alam nilang maamo at mabait ka. Hindi mo man sila kilala o ka-close, gagawin nila iyon para makisalamuha ka sa kanila. Gusto ka nila kasing maging kaibigan.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Saglit lang ang mararadamang mong pighati, tapos na iyan sa kalagitnaan ng buwan. Mapapasaiyo na ang saya at tagumpay. Basta ma-ging positibo ka lang sa buhay at darating sa iyo ang suwerte.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Bubukol talaga kung ukol. Ganyan ang iyong mga plano ngayong taon. Kasi, matagal mo itong pinag-isipan. Huwag matakot sa risks. Natural ‘yan. Pero, suwerte ka ngayong taon.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Ang kasipagan at katapatan ay magbubunga ng mabuti. Nakikita ito ng iyong boss. Kaya. ikaw na huli ay mauuna sa iyong mga kasamahan sa work. Kasi, deserving kang ma-promote at hindi sila tututol kung ito ay mangyayari.