HOROSCOPE FEBRUARY 22, 2021

HOROSCOPE FEBRUARY 22, 2021

February 22, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Pinapatnubayan ng magandang kapalaran ang anomang uri ng transaksyon na may kinalaman sa negosyo. Alamin at pagsikapang mapunan ang mga naging pagkukulang sa nagdaang mga araw.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Magiging maramdamin sa mga taong kasa-kasama sa pamumuhay subalit mangingibabaw pa rin ang kasiglahan sa bandang hapon.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Huwag bibitiw sa pakikipagkaisa sa mga katrabaho. May matutuklasan ngayong araw na isang sikreto na may kinalaman sa trabaho.

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Isang kaibigan ang magbibigay ng problema. Iwasan ang pagmamadali sa mga desisyon dahil nakaamba ang pagkakamali.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Madaling makukuha ang tiwala ng mga tao sa paligid sa pagpapakita ng natatagong katangian at talino.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang pagiging mapaghinala sa kapwa ay magdudulot ng kalungkutan. Hindi dapat mabilanggo sa anino ng kahapon.

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Ang pagkamalikhain, bukod sa daan sa matatag na hanapbuhay ay makatutulong upang maipahayag ang sarili. Magkakaroon ng pagkakataon para sa buhay-ispiritwal.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Walang buting idudulot ang pagiging balat-sibuyas. Iwasan din ang pagiging bugnutin upang makahikayat ng suwerte sa hanap­buhay o negosyo.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Sundin ang ipapayo ng mga magulang o mga nakatatanda lalo’t hindi kabisado ang kinakaharap na suliranin. Gamitin ang dara­ting na oportunidad para sa pagpapatatag ng kabuhayan.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ang mga pangyayari sa nakaraan ay may aral na magagamit sa paglutas ng suliranin. May magandang pagbabago sa trabaho at ma­ging sa usaping pampuso. Ingatan ang kalusugan.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Pag-ibig ang makalulutas sa iyong kasalukuyang problema. Iwasan ang masangkot sa problema ng iba lalo’t tungkol sa pera.

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Naaayon ang panahon upang ipamalas ang kakayahan bilang isang li­der. Sikaping maging matatag sa pagsubok.

 

 


  •  
  •  
  •