HOROSCOPE FEBRUARY 22, 2022

HOROSCOPE FEBRUARY 22, 2022

February 22, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Iwasan mo ang mga taong maluwag ang turnilyo sa ulo. Kasi, kapag kasama mo sila, pati ikaw ay mapagkakamalan na ring lutang. Umiwas ka rin sa mga walang kabulugang usapan, lalo na sa mga umpukan sa inuman. Sa gayun, mapapanatili mo pa ang iyong dangal at hindi mabilad sa kahihiyan.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kung talagang kaya mo siyang ipaglaban, dapat kaya mong inumin ang pait ng pang-aalisputa ng iyong partido. Kaya ka ba magpapa-convert sa kanyang religion dahil gusto mo rin o dahil lamang sa kanya. Kung talagang mahal mo siya, mahalin mo rin ang pananampalataya niya. Dahil ikaw mismo ang nagpasya sa iyong sarili na ikaw ang magpapakumbaba.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — May darating na pera sa iyo ngayong linggo. Sinupin mo ito upang may magamit kang panggastos sa pamilya mo. Huwag mo itong ipangsusugal. Malas ka r’yan. Halos 2,000 beses ka nang tumataya sa lotto pero olats ka pa rin. Magtinda ka na lang ng bigas at prutas sa pera mo, lalago pa ito.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung may naiinggit man sa iyo, ito ay paghangang inggit. Kasi, kahit anong gawin nila, imposible nilang makuha’t makamit ang gusto mo. Kasi, sipag at talino ang gamit mo. Sila, utak kanto. Gayunman, huwag mo silang hahamakin. Mas magiging magiliw sila sa iyo kapag nanatili kang nakatapak ang paa sa lupa.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Pambihira, tinalo ka pa ng misis mo sa pagkukumpuni ng mga sirang gamit sa bahay. Puro ka kasi laro. Maglaan ng oras sa paggawa sa gawaing bahay. Sa gayun ay may oras kayong mag-bonding ng misis mo. mahirap ‘yung ma-misinterpret ka niya dahil bagong kasal lang kayo. Sabihin mo sa kanya na pinagkakakitaan mo ang paglalaro ng ML.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng gusto mo ay iyon ang masusunod. Hindi porke malaya ang isang tao ay pwede nang gawin lahat. Kung magpapaubaya ka at ibaba ang iyong pride, mas magtatagumpay kayo ng grupo n’yo at makakakuha ng kliyente ang inyong presentation. Kapag nagkataon, malaking biyaya ang mapapasaiyo.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Wala sa harap at wala sa likod ang suwerte mo. Kundi nasa gilid. Mahahanap mo ang biyaya kundi mo babalikan ang pait na pangyayari sa nagdaang panahon. Huwag mo ring ikabagabag ang maaaring mangyari sa hinaharap. Advance ka ngang mag-isip, negative naman. Sa gilid ka lang. Ipagal mo ang iyong dalawang kamay at pagpapalain ka. Gaya ng mga langgam na nag-iimpok ng pagkain sa tag-araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Mas maganda ‘yung minamaliit ka at hinahamak ng kapwa mo. Kasi, magmumukha silang tanga! Hindi palalagpasin ng nasa Itaas ang diskriminasyong ginagawa sa iyo ng iyong mga kapitbahay. Darating ang sandali na ilalahad nila ang kanilang palad sa iyo upang manghingi ng tulong.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Ang pagmamahal sa magulang ay may kaakibat na biyaya at pagpapala. Tama ang iyong ginagawa na kasama mo sila sa iyong mga pangarap. Kaya hanggang ngayon ay single ka pa rin. Gayunman, hangad nila na bumuo ka rin ng pamilya. Sa gayun ay maging kaaliwan nila na mag-alaga ng apo. Mag-asawa ka na. Kasi, lagpas ka na sa kalendaryo.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Magiging masaya at mabiyaya ang nalalabi pang mga araw sa buwang ito hanggang sa Hunyo.Tapos na ang siklo ng pagsubok sa iyo at sa pamilya mo. Basta huwag mo lamang pababayaan ang spiritual obligations mo at pagtulong sa mga kapus-palad. Kasi, mas lalo kang susuwertihin.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Walang multo sa malaking bahay na ipinagkatiwalang ipabantay sa iyo. Kung meron man, paglabahin mo kung makakakita ka. Ibig sabihin, huwag kang mag-isip ng katatakutan. Dahil sa malao’t madali, ipagkakaloob sa iyo ng iyong amo ang bahay na iyon.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Malaki ang mawawala sa inyong kompanya. Pero, masosolusyunan ito dahil sa iyong karunungan. Maaakit ng iyong mga salita ang isang investor, kaya magbo-boom ang inyong kompanya. Kaya, kahit baguhan ka pa lang, iluluklok ka agad sa mas mataas na posisyon.