HOROSCOPE FEBRUARY 23, 2021

HOROSCOPE FEBRUARY 23, 2021

February 23, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Magiging paborable ang pagkakataon para sa paglasap ng mainit na romansa. Unahin muna ang pagkakaperahan kaysa pag-ibig.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Maganda ang simula ng iyong araw. Huwag hayaang masira ang diskarte dahil lamang sa isang tsismis. Lalapit ang magandang swerte kung mananatiling positibo ang mga aksyon.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Mahalaga ang pagkakaroon ng malayong pananaw sa hanapbuhay upang mapalapit sa tagumpay. Tumanggap nang tumanggap ng mga payo, opinyon at saka pumili ng inaakalang pinakatama.

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Sabay-sabay ang pagdating ng mga trabahong magsasampa ng malaking kita. Tanggihan ang gawaing hindi na magagampanan upang hindi masubo sa kompormiso.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) —  Hindi masama ang mangarap lalo na’t kung may pagkilos. Ilaan ang lakas at panahon sa pagtupad sa mga pangarap. Matutupad ang isasagawang mga plano kung magiging praktikal.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ilagay sa lugar ang pagiging matapang upang makaakyat sa itaas ng tagumpay. Iwasan ang pagiging balat-sibuyas nang magkaroon ng tahimik na buhay.

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —  Isang bahagi ng malaking pangarap ang matutupad sa araw na ito. Dapat nang makuntento pero hindi dapat tumigil sa tinatarget na tagumpay sa negosyo o career.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Ang mga bagong kakilala ngayon ang magiging matatag na sandigan sa career o pagnenegosyo. Mahalagang pairalin ang kutob bilang gabay sa mga isasagawang desisyon.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Makakakuha ng buwelo para maresolba ang problema sa pananalapi sa tulong ng isang kamag-anak. Huwag pairalin ang pagiging mainitin ang ulo upang makakita ng mas angkop na solusyon sa suliranin.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Batay sa galaw ng mga bituin, ang pagiging sensitibo ay maaaring magdulot ng negatibong bunga sa trabaho. Dapat maging positibo ang takbo ng isip kahit may makakita ng problema sa mga kasamahan sa hanapbuhay.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Nasa wastong direksyon ang pinagpopokusan ng panahon at aksyon. Huwag lingunin ang hirap at pagod na pinagdaanan upang makarating sa dulo ng tagumpay.

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Mag-ingat sa mga transaksyon na ilalapit sa araw na ito. Mahalaga ang personal na pagsusuri sa papasuking negosyo.

 

 


  •  
  •  
  •