HOROSCOPE FEBRUARY 23, 2022

HOROSCOPE FEBRUARY 23, 2022

February 23, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ngayon makikita ang tunay na dahilan nang nararanasang kagipitan sa pananalapi. Madaling mapaaangat ang kabuhayan kung marerendahan ang sarili sa paghawak ng kinikita.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Napapanahon ang paghahanda sa pagpasok sa mas seryosong relasyon sa piling ng minamahal. Hindi pabor ang galaw ng mga bituin sa pangu-ngutang o pagpapautang o pagpasok sa isang kasunduan na sangkot ang pera.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Aani ng magandang bunga ang mga pagtitiyaga at pagsisikap kaya may pagkakataon nang makatulong sa ibang nangangailangan. Magagampanan nang maayos ang pananagutan sa trabaho at sa sariling tahanan.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Isang malaking proyekto na pagkakakitaan ang mapapasakamay sa tulong ng ilang bagong koneksyon sa ginagalawang industriya. Magiging mapalad sa pag-ibig sa araw na ito kahit umusbong ang tampuhan sa pagitan ng minamahal.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Maganda ang daloy ng pananalapi kaya magaan na maibibigay sa sarili ang isang bagay na gustong bilhin. Makalalasap ng mainit na romansa kung maipagkakaloob ang matagal nang ipinaglalambing ng minamahal.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Iwasang mangibabaw sa puso ang inggit sa kapwa upang manatiling payapa ang damdamin at isipan. Huwag isipin na sa kayamanan lamang nakikita ang ang pagpapala ng Diyos.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Maganda ang takbo ng trabaho o negosyo sa araw na ito sa pagkakaroon ng mahusay na sistema. Bigyan ng kaukulang pansin ang mga aktibidad na may kinalaman sa seminar at pagpapalago ng karunungan.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Posibleng makakumbinsi ngayon ng isang Capricorn na mamuhunan sa iniisip na pagkakakitaan. Magiging kasiya-siya ang pakikipag-date sa kasuyo kung paiiralin sa sarili ang mababang kalooban.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Isang mahalagang gampanin ang magagawa ngayon na makatutulong nang malaki sa buong pamilya. Angkop ang araw na ito sa pinaplanong paglalakbay o pamamahinga sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Isang hindi inaasahang pangyayari ang magbubukas ng pintuan sa magandang pagkakakitaan o pagsa-sideline. Selos ang posibleng pagsimulan ng hindi pagkakaunawaan ng minamahal sa araw na ito.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Nasa tamang direksyon ang isinasagawang pagsasaayos ng mga iskedyul sa trabaho at pakikipagsosyalan. Paghandaan sa mga darating na araw ang biglaang mga gastusin na maaaring dumating.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Makapupulot ngayon ng magagandang ideya sa trabaho o negosyo sa mga kaibigan o kamag-anak. Isang mahalagang balita ang magbibigay sigla sa paggawa sa araw na ito.