![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Subaybayan mong mabuti ang kilos ng iyong mga anak. Alamin kung sino-sino ang kanilang mga kaibigan o kasama. Kung sila ang nakakaimpluwensiya ng magandang asal sa iba, mabuti. Ngunit kung kabaliktaran nito, tunay na masama. Tanungin din kung saan nila gagamitin ang hinihinging pera. Baka sa ibang project nila ito gagamitin. Baka project sa window shopping at tumba-tumbahan ng gin o inuman. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Mag-ingat sa mga taong insecure sa iyo. Kapag wala ka, tinitira ka nila pero nangangamba sila. Kapag meron, para silang halimaw sa banga na nababahala sa iyong pag-angat. Ang mga taong ganito kasi ay hindi mo pinakikisamahan dahil sa kanilang kawalang modo o kulang sa GMRC. Ang pagiging masigla sa trabaho ay mainam dahil magpapapasok ito ng biyaya. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag kang panghihinalaan ng loob kung mayroon kang bashers sa content na ginagawa mo. Bahagi iyan ng pagiging vlogger o content creator. Tandaan mo na sila ang magpapaangat sa iyo at sila ang tunay mong followers na nagtitiyagang manood ng ginagawa mo. Masama man ang feedback nila sa content mo, pero ikabubuti mo ito. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Iwasang sumawsaw sa tsismisan ng mga kaibigan at kapitbahay. Sayang lang oras mo rito. Mas magtitiwala sa iyo ang kliyente kung bago ka magsalita ay resulta muna ang iyong ipakikita rito. Huwag munang magbibilang ng sisiw habang hindi pa pisa ang itlog. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Sa hindi inaasahan, muli kayong magkikita ng iyong buddy noong high school sa isang karinderya. Ito yung kasama mo sa tambayan noon at pagkain ng tubo sa tubuhan likod ng eskuwelahan ninyo nu’n. Dito magsisimula ang panibagong adbentyur. Mapag-uusapan din ang tungkol sa negosyo. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung kinakailangan, ipatupad mo ang pangil sa iyong mga manggagawa na arawan. Sitahin sila sa mabagal nilang trabaho na dapat sana’y tatagal lang ng dalawang linggo. Ito ay pandaraya sa iyo. Bigyan sila ng taning at gawing pakyawan ang siste. Kapag di nila natapos ang pinagagawa mo sa kanila, maghanap ka na ng ibang gagawa. Pinirerahan ka lang nila. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Hindi lang dapat tawanan ang problema. Dapat itong bigyan ng solusyon. Matapang na harapin din ang suliraning ikaw ang may gawa. Marunong kang magdeposito, marunong ka rin dapat umako ng responsibilidad. Ito ang tunay na katapangan. Ang pagdating ng bagong pag-ibig ay maaantala. Pero, panalo ka naman kapag dumating na siya sa buhay mo. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi madali ang mabuhay dito sa mundo. Kaya, huwag kang magdamdam kung minsan ay awanin ka. Hindi lang ikaw ang gayun. Kung may trabaho, ayusin at mahalin ito. Sinupin ang pera at huwag gumastos ng todo lalo na sa bisyo. Okay lang ang sigarilyo pero huwag nang haluan ng alak. At least may karapatan kang magbisyo dahil may trabaho ka at hindi naman tambay. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi instant na magiging click agad ang vlog mo. Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang totoo, pagsikat ka, arya ka agad. Pero, sa small content creators, nangangailangan ito ng panahon at effort. Ituloy mo lang ang ginagawa mo dahil makabuluhan ito. Sa lalong madaling panahon, magbubunga rin ang pinagpaguran mo. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung minsan, ang pagiging mahiyain ay nagliligtas sa isang tao sa kahihiyan. Lalo na’t kaya mong dalhin ang sarili mo sa tamang pagkakataon. Ang mga taong kagaya mo ay masunurin, mapagpasensiya, nakikinig sa turo at mapagbigay. Kaya, kahit ganyan ka, ikaw ang pagkakatiwalaan ng boss nyo na maging lider sa isang proyekto. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Sa mga kilos at pananalita masasalamin ang isang tao kung anong uri siya ng tao. Kaya, mag-ingat na magkamali ng kilos at salita sa mga taong hindi ka pa gaanong kilala. Gayunman, wala rin silang karapatang husgahan ka agad dahil hindi ka pa nila lubusang kilala. Kaya, kung may naririnig ka na usapan sa office na tinitira ang iba, huwag kang pumalabok. Para wala silang maibutas sa iyo. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) —Ang pagiging tapat sa minamahal ang titimbangin sa iyo sa araw na ito. Kung kumikislap man ang nakaraan sa pagitan ninyo ng dati mong kasintahan, bumalikwas ka na agad bago tuluyang mahulog sa pagkakamali. May bago ka na at siya ang iyong kasalukuyan. Ang nakaraan ay tapos ay tapos na. Huwag kang papayag na masira ng nakaraan ang kasalukuyan. Walang palay na lumalapit ng kusa sa manok dahil wala naman itong paa. Maliban na lang kung matangay ito ng hangin, samakatuwid baga’y ng tukso. |