HOROSCOPE FEBRUARY 24, 2021

HOROSCOPE FEBRUARY 24, 2021

February 24, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —  Umaayon ang galaw ng mga bituin upang isaayos ang maling impresyon ng mga bagong kasamahan sa trabaho. Mapagwawagian ang tiwala ng mga nasa paligid dahil na rin sa magagandang gawa.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Magkakaroon ng panibagong dagdag na kita sa pamamagitan ng mga kaibigan. Hindi dapat mapabayaan ang pansariling kalusugan sa kabila ng kaabalahan.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi masasayang ang magandang oportunidad sa pamumunga ng talento kung makokontrol ang pagiging bugnutin. Hindi dapat mawili sa walang katuturang pakikipagsosyalan.

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Sundin ang magiging suhestiyon o payo sa career o pagnenegosyo ng isang taong kinikilala ang karunungan. Magiging payapa ang kalooban sa pakikipagbati sa isang dating kagalit.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) —  Huwag makipagkompetensya sa mga kasamahan na may magarbong uri ng pamumuhay upang hindi mapasubo sa kagipitan. Iwasang mangako sa isang tao kung hindi rin lang matutupad.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Daan sa pagkakaroon ng mabuting pag-ibig o karelasyon ang positibong pakikitungo  sa mga tao sa paligid. Isang mabuting tao ang makakasama sa isang malaking transaksyon o sa loob ng pinagtatrabahuhan.

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) —   Malaking kaligayahan ang maidudulot sa pamilya ng mapapasakamay na mabuting balita. Magtutuloy-tuloy ang pag-akyat ng kabuhayan kung mapagbubuti ang mga isinasagawang proyekto.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Isang magandang trabaho ang iaalok ng dati nang kakilala ang hindi matutupad. Huwag itong panghinayangan dahil isang mas magandang kapalaran na angkop sa taglay na kakayahan ang darating.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Umaayon ang galaw ng mga bituin upang makabawi sa pamumuhunan ng oras at pagod sa trabaho. Matutong mag-impok para mapaghandaan ang mga darating na gastusin sa hinaharap.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Ituon ang mahabang oras sa trabaho hindi lamang para kumita kundi upang malibang din ang isipan. Huwag kainipan ang pagdating ng magandang kapalaran na kusang darating kung magiging matiisin.

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung may pananagutan na sa buhay, ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagtitipon ay hindi dapat pagbigyan. Kung wala pang asawa, kasiyahan ng puso ang matatagpuan sa dadaluhang sosyalan.

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) —  Nasa palad ang katuparan ng pag-unlad sa kabuhayan kaya hindi dapat panghinaan ng loob. Ilakip sa mga gawa ang pagiging mapagkumbaba upang makagiliwan ng mga kasamahan sa trabaho.

 

 


  •  
  •  
  •