HOROSCOPE FEBRUARY 24, 2022

HOROSCOPE FEBRUARY 24, 2022

February 24, 2022 @ 7:00 AM 4 months ago


 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Paghandaan mo na ang inihahandang patibong ng iyong mga kalaban sa pulitika. Aasarin ka nila ng aasarin para maigupo ka. Gayunman, huwag kang magpaapekto dahil sa bandang huli, ikaw pa rin ang mananalo. Ikaw ang tutulungan ng nasa Itaas.

 

 

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —  Ang pananahimik mo ay ‘di nangangahulugang totoo ang sapantaha ng mga taong nakapaligid sa iyo. Ayaw mo lang talagang pumatol sa mga basurang gaya nila at makikitid ang utak.

 

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi lahat ay kayang makuha sa tingin. Kahit malakas pa ang charm mo, hindi lahat ay maakit mo. Hindi ka umubra sa isa, kaya magiging challenge sa iyo na paamuhin siya. Gayunman, siya ang taong magiging kabiyak ng iyong puso.

 

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) —  Tandaan mo na sa bandang huli ang pagsisisi. Kaya, magsisi na habang maaga sa iyong nagawang kasalanan. Itigil mo na ang pamamangka sa dalawang ilog. Kung sino ang mas matimbang sa iyo, siya ang piliin mo.

 

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Hindi lamang nasusukat sa materyal na bagay ang blessings. Kundi nasusukat din ito sa tahimik na pamumuhay, malusog na pangangatawan at walang kaaway o kasamaan ng loob. Pero, kung pera ang numero unong sukatan sa iyo ng tagumpay, ok lang dahil hindi mo pa nararanasang lumagay sa itaas. Panahon na upang umahon ka.

 

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nasaktan ka man at nagdusa sa nagdaang 2 taon, mapaghihilom ng panahon ang sugat sa iyong kalooban at isipan. May makikilala kang mga bagong kabigan. Tanggapin mo sila sapagkat tunay sila at hindi peke.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Ang iyong mga salita at binibitawang kataga ay parang punyal at latigong lumalatay sa katawan. Masakit pakinggan. Kung magsasalita ka ng malalalim sa mga taong mangmang, masasaktan sila. Kaya, piliin mo ang mga kakausapin mo. Tama lang na makipag-usap ka sa mga taong ka-level mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Maging bingi ka sa mga tsismis at maging atentibo ka sa pag-absorb ng karunungan. Huwag mong hayaan masayang ang oras mo sa pakikipag-usap sa mga tambay. Bagkus, ilaan ang mahabang oras sa bagay na magpapasok sa iyo ng salapi.

 

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi pa tapos ang laban. Ika nga, best-of-7 ‘yan. Kung natumba ka sa 3 beses na pagtatangka, may 4 pa. Tiyak na kabisado mo na ang pasikot-sikot sa negosyo dahil sa natamong kabiguan. Gamitin mo ito bilang motibasyon at inspirasyon para ikaw ay magtagumpay.

 

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Matalino ka na. Pero, hindi mo alam ang lahat ng bagay. Kailangan mo pang mag-imbak ng karunungan dahil ikaw ay isang taong hinahangaan ng karamihan. Ang iyong opinyon, mga sinasabi at pahayag ay sinusundan ng mga tao. Bilang social media influencer, dapat hinahatid mo ang tagasunod mo sa tama at hindi sa liko.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Piliin mo ang malinis na pangalan kaysa sa aasenso ka na, malalagay naman ito sa kahihiyan. Hindi instant ang pagkamal ng salapi. Pinaghihirapan ito. Pinagsisikapan. Sa malao’t madali, mapapasaiyo rin ang hinahangad mong pagkamit ng malaking biyaya.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo. Alalahanin mong wala ka ngayon sa iyong kinalalagayan kung hindi ka tinulungan ng mga taong naniniwala sa iyo na ikaw ay magtatagumpay. Gawin mo silang gabay upang laging nakintal sa iyong isipan ang pagiging mapagpakumbaba sa lahat ng panahon.