HOROSCOPE FEBRUARY 3, 2023

HOROSCOPE FEBRUARY 3, 2023

February 3, 2023 @ 7:00 AM 2 months ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kunwari lang ang crush mo na aayaw-ayaw kapag itinutukso siya sa iyo. Pero ang totoo, ito’y kanyang gustong-gusto. Hindi lang niya ipinahahalata bagkus ang ipinakikita niya ang nakabusangot niyang mukha. Gayunman, huwag mo muna siyang pormahan hangga’t wala ka pang nakikitang sign na nakikipag-close siya sa iyo. Maghintay ka pa ng kaunting panahon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling magkukrus ang inyong landas ng isang taong may kaugnayan noon sa iyong puso. Bagama’t sabihin pang medyo matagal nang panahon ‘yun, may change pang magsimula para sa isang bagong pag-ibig. Lalo na’t malaya naman kayo ngayon sa isa’t isa. Huwag mo munang ipagsabi ang iyong plano sa mga taong malalapit sa iyo at baka mabulilyaso.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Mainam na lumayo ka muna upang makalimot sa mga hindi kagandahang pangyayari. Magsikap ka sa lugar na iyong patutunguhan at magtrabaho ng maayos. Hindi alam ng taong minahal mo na hindi mo kagustuhan ang nangyari. Kundi, minanipula ito ng kanyang partido. Kapag successful ka na at may ibubuga, matatanggap ka na ng pamilya nito sa darating na panahon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Huwag kang malungkot sa gabing matutulog ka na at naiisip mo siya. Ganun talaga sa umpisa, hindi kayo close kaya ka naghihimutok dahil wala kang magawa para mapansin ka niya. Magugulat ka na lamang na sa mga susunod na araw siya na ang lalapit sa iyo. Sunggaban mo ang alok ng kaibigan na sideline. Sa gayun, may pamadyak ka para yayain siyang kumain sa labas.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung nabulilyaso ka noon sa iyong mga nakausap dahil sa maling pagkakataon, bumawi ka ngayon lalo na’t ang mga kasamahan mo sa proyekto, may mga isang salita at maaasahan. Kung magtatakda ka ng petsa, tiyakin na tatapusin ito sa mas maagang petsa. Sa gayun, mas lalong magtiwala sa iyo ang iyong mga kliyente.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung mahal mo siya, alam mo dapat ang salitang ‘Hindi pa ito, hindi pa ngayon.’ Mga bata pa kayo at pag-aaral muna ang inyong mas gawing prayoridad at bigyan ng pansin. Kung ipipilit n’yo baka mahulog lang kayo sa pagkakamali at kapahamakan. Tutal, close naman kayo at parang kayo rin ang siste. Makuntento ka na lang muna run.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Huwag mong seryosohin ang pinagsasabi ng ibang tao na wala kang dating. Sinasabi lang nila iyan dahil insecure sila sa iyo. Kasi, hindi ka naman kagandahang lalaki o babae, pero lapitin ka. May katangian kang likas na nakakapit sa iyo na labis na nagugustuhan ng hindi mo mga ka-sekso. Masaya kasi sila kapag kasama at kausap ka. Lalo pang magsumikap sa trabaho at baka ma-promote ka sa mga susunod na buwan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ilihim mo ang iyong tagumpay sa ibang tao at huwag sa matalik na kaibigan at mga kaanak na tumulong sa iyo sa mga panahong ikaw ay lugmok. Kapag nalaman nila ito, kanila itong ikagagalak at hindi ika-i-insecure. Ang pagiging mababa ang loob ang lalong mag-dadala pa sa iyo sa mas maraming tagumpay.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Hindi galit ang tadhana sa iyo, kundi may mga taong ayaw ka lang umasenso. Baka umuusal-usal pa nga ito na huwag kang umangat sa buhay. Huwag kang mabahala at manlupaypay. Bagkus, magsumikap ka lang at susuwagin mo sila ng mga positibong pagbabago sa buhay mo. Tandaan mo, ang nasa Itaas ang susi ng tagumpay at hindi sa tao.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kung may karisma ka pa at kinahuhumalingan ng iba, huwag mong paglaruan ang kanilang puso’t damdamin. Baka dumating ang panahon na ang isang taong pinakaiibig mo ayaw sa iyo. Iisa lang ang puso natin kaya iisa lang ang maaari mong ibigin. Tanggapin ang alok sa iyo na gawin ang isang proyekto dahil kayang-kaya mo ito.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Sa pamamagitan ng iyong ngiti, gagaan ang pakiramdam ng mga tao sa iyong paligid. Para kasing pang-commercial ng toothpaste ang iyong ngiti. Kahit mahal ang sibuyas, bibili at bibili sila sa tinda n’yo. Humanda ka rin sa hindi inaasahang pagsulpot ng isang taong magpapatibok ng iyong puso. Bagay kayo at magkaka-crush siya sa iyo.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Ang labis-labis na pag-iisip nakasisira ng buto at nakapagpapayat ng puso. Kaya, iwasan mong problemahin ang problema ng iba lalo na’t may kinalaman tungkol sa pera. Makakasama rin sa iyo ang labis na pagkukusa at pagmamagandang-loob sa mga taong hindi naman marunong mag-appreciate ng ginagawa mo.