![]() |
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Marami pang mga bagay na dapat kang matutunan sa bago mong career. Na magagamit mo sa pagsikhay at pagmimina ng pagpapala sa buhay na ito. Marami ka ring mga bagong kakilala ang magiging kaibigan at makatutulong sa iyo sa panahon ng kagipitan. |
![]() |
LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Hintayin mo lang ang tamang panahon para sa pag-abot ng iyong mga mithiin sa buhay. Sa malao’t hindi, makakamtan mo rin ito sa unang peryodo ng taon. Tiyakin mo rin na ang mga bagay na nasimulan ay matapos sa takdang panahon. Na magbubunga ng magandang resulta sa lalong madaling panahon. |
![]() |
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Huwag ipagwalang-bahala ang dapat gawin na maaari namang tapusin sa linggong ito. Magdudulot ito ng kapaki-pakinabang na resulta patungkol sa pananalapi. Kung ‘di rin lang mahalaga ang patutunguhan, huwag nang pagurin ang sarili upang hindi magkasakit. |
![]() |
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Ipagpatuloy mo ang magandang performance sa trabaho o tung-kuling iniatang sa iyo. Magdudulot ito ng mas matindi pang tiwala sa iyo ng iyong boss. Dahil batid niyang magiging maayos, pulido at mas maagang matapos ang tasks na ipinagkakatiwala niya sa iyo. Mag-ipon ka na ng maaga para maibili mo ng regalo ang iyong kasuyo o minamahal sa nalalapit nitong kaarawan. |
![]() |
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang buhay ay parang ulan. Minsan umaambon, minsan malakas, minsan makulimlim. Pero, hindi ito uubra sa iyo ngayon dahil sa positive vibes na kakapit sa iyo. Ang pagiging masipag at pagmamalasakit sa mga aktibidad na may kinalaman sa pananampalataya, may katapat na pagpapala at gantimpala. Basta, taos sa puso ang ginagawa at hindi dahil sa kailangan lang. |
![]() |
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi uubra ang padalos-dalos na desisyon ngayon sa inyong grupo hinggil sa sinabakang proyekto. Ang hindi inaasahang muling pagkikita ng dating minamahal ay magdudulot ng magandang resulta. Baka magkabalikan kayo sa mga susunod na araw. |
![]() |
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ang aklat ng kapalaran o ang yugto ng pamamayagpag sa iyong buhay ay hindi pa natatapos. Sapagkat habang may buhay may pag-asa pa. Basta tuloy-tuloy lang ang pagsisikap at ang kaunlara’y makakamtang ganap. Kung ika’y magpapautang, doon sa taong subok ang marunong magbayad. |
![]() |
ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang biru-biruan patungkol sa inyong dalawa ng crush mo sa inyong work ay mauuwi sa positibong resulta. Kahit hindi ka niya gusto sa una, made-develop din siya sa iyo. Pwede mo na siyang yayaing magdate sa susunod na payday n’yo. Huwag ipagwalang-bahala ang pakiusap ng isang kakilala patungkol sa hinihinging pabor. Dahil ikaw lang ang inaasahan niyang makatatutulong sa kanya. |
![]() |
TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung wala ka na gaanong oras sa iyong minamahal at madalang kayong magkita dahil sa hindi maiiwasang kapwa kayong abalang dalawa; daanin siya sa regular na pangungumusta. Maigi na ‘yung nagkikita ng dalawang beses sa isang linggo. Sa gayun ay manatili ang liyab ng inyong pagtitinginan. May buwenas na darating sa iyo sa susunod na araw. |
![]() |
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Sa wakas, sa matagal mo nang katataya sa lotto, tatama ka na. Pero, hindi sa 6 digits na tayaan. Kundi, sa suwertes at limang digit lang. Ugaliin mo na sa bawat gising ay positibo ang pagharap mo sa buhay. Sa gayun ay maging positibo rin ang resulta ng iyong pinagsisikapan. |
![]() |
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) — Kung hindi pa handa ang ex mo na makipagbalikan sa iyo; kahit na nagpahiwatig pa siya na may posibilidad itong mangyari ay huwag mo munang ipilit na gayun. Magtiis ka muna at maghintay habang sinusuyo mo siya. Darating din ang sandali na siya ang kusang magsasabi sa iyo na pwede na uli maging kayo. |
![]() |
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Anomang ibigin mo ngayong araw ay mapangyayari dahil sa magandang daloy at lakas ng manifest na sinusuhayan ng tadhana. Kung type mong yayaing mag-date ang type mo, papayag siya basta magbaon ka lang ng maraming paandar at jokes. Iwasan na munang maglakbay sa malalayong lugar lalo na’t marami kang trabahong tatapusin. |