HOROSCOPE JANUARY 10, 2021

HOROSCOPE JANUARY 10, 2021

January 10, 2021 @ 7:00 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Sa araw na ito makakaharap ang taong makapagbibigay ng ginhawa sa dinaranas na krisis sa pananalapi. Pabor ang mga pagkakataon upang maging malapit ang kalooban sa mga kasamahan sa trabaho.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Ngayon na makatatakas sa suliraning pampuso. Magkapera man, hindi dapat maging magastos dahil sa malapit na hinaharap ay hindi maiiwasang may malaking halagang pagkakagastusan.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —Nasa sariling diskarte ang ikagaganda ng takbo ng trabaho o negosyo. Kung papansinin ang mga tao sa paligid, malalaman na nasa tabi lamang ang taong nagmamahal at nararapat mahalin.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —Huwag sayangin ang pagkakataon na lalong mapalapit sa iniibig dahil lamang sa selos. Kung magagawang mapagtagumpayan ang mga hamon o pagsubok ay makalalasap ka ng kaligayahang pampuso.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —Maaaring panandaliang maatraso ang kinasasabikang pag-asenso sa trabaho, pero tiyak na darating din sa malapit na hinaharap. Ngayon ang tamang panahon sa binabalak na paglalakbay kasama ang pamilya.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maganda ang araw na ito para maisaayos at mapabuti ang takbo ng hanapbuhay o negosyo. Sa mga may-asawa, mas magiging matibay ang relasyon sa minamahal kundi iiral ang pagiging sumpungin.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pumili ng isa sa mga pagtitipon na may kinalaman sa sosyalan at gawing pamantayan ang may kinalaman sa nililinyahang hanapbuhay. Huwag magkimkim ng galit o hinanakit sa kapwa upang makadama ang sarili ng tunay na kaligayahan.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Higit na magiging maligaya sa buhay kung magpapakatotoo sa mga kilos at gawa. Umaayon ang galaw ng mga bituin upang maipadama nang lubusan sa minamahal ang tunay na saloobin.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Dahil sa paglakad sa matuwid na landas at malinis na pamumuhay ay magiging maganda at maaliwalas ang takbo ng buhay. Sa larangan ng pag-ibig, ang pakikipagrelasyon sa minamahal ay maaaring mauwi sa kasalan.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Magiging mailap ang magandang kapalaran kung magiging patay-patay sa pagsusulong ng proyektong pangkabuhayan. Magkakaroon ng kapanatagan sa sariling tahanan kung mananatiling tapat sa kasuyo.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magbabago ang ikot ng gulong ng buhay kung palalawakin pa ang taglay na karunungan sa napiling career o negosyo. Sa pag-ibig, magkakaroon ng malaking pag-asa kung maipadarama sa minamahal ang tunay na damdamin.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) May magagandang bagay na magagawa kasunod ng pag-ani ng mga tagumpay sa buhay. Ngayon ang tamang pagkakataon upang baguhin ang ‘di magandang pamamalakad sa sariling tahanan.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...