HOROSCOPE JANUARY 11, 2022

HOROSCOPE JANUARY 11, 2022

January 11, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Masyadong mataas ang pride mo. Ibaba mo ito para magkaayos na kayo ng iyong matalik na kaibigan. Bagama’t ikaw ang may pag-kakamali, siya ang unang lalapit sa iyo. Kaya, huwag hayaang mawala ang isang tunay at maasahang kaibigan.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Maraming bayarin ang dapat mong bayaran. Pero, marami ka namang ipon. Kung ‘di naman kailangan ang isang bagay, huwag mag-o-order online. Sinupin ang salapi sa mas makabuluhang mga bagay at sa mga biglaang gastusin.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Medyo awkward ang sitwasyon ngayon sa opisina n’yo. Ang dami pa kasi sa inyo ang hindi pa vaccinated. Kaya iwasan muna ang sobrang close ng tsikahan sa isa’t isa. Tapusin din ng maaga ang task sa work upang magkaroon ng mas maraming oras sa pa-milya.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kapag walang panggatong, hindi magniningas ang apoy. Kaya, iwasan ang sumusog sa mga sabi-sabi na wala namang katuturan. Sa gayun ay hindi naman ikaw ang mauwi sa puntong ikaw ang pinag-uusapan.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Malayo ang iyong mararating kung magsusumikap ka. Kailangan lang ang pagkilos. marami kang kakayahan na dapat ilabas at ipamalas. Bigay sa iyo ‘yan ng nasa itaas. Kaya, huwag mong itago. Ipakita mo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang tunay na galing mo ay lumalabas na. Kaya, hahangaan ka ng marami. Gayunman, huwag magpakampante. Kapag ‘di mo kayang tapusin ang deadline sa work, aminin ito. Sa gayun ay makaiwas ka sa multi-tasking.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Bubuhos na parang ulan ang mga oportuninad. tapos na kasi ang siklo ng pagsu-bok sa iyong buhay. Kapag umigi na ang sitwasyon, huwag kalilimutang magpasalamat sa nasa itaas.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  The more you hate, the more you love. ‘Yan ang peg ninyo ngayon ng iyong kasamahan sa workshop. Akala kasi niya, insecure ka sa kanya. Pero, ang totoo, love mo siya. Ipakita ang damdaming mong ito para ‘di ka niya ma-misinterpret.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Gaya ng isang atleta, kailangan mong magsanay upang maging ganap na subok ang kakayahan sa pakikibaka. Kaya, bago ka lumu-song sa isang propesyon, tiyakin mo munang gusto mo ito. Sa gayun ay ‘di ka magsisi sa bandang huli.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Mabilis ang pagdating ng biyaya. Ngunit, mabilis ding nagagastos. Parang tubig na sinalok na nakalagay sa butas na balde. Gayunman, sa mga makabuluhang bagay mo naman ito ginagastos. Kaya, huwag mabahala. Pupunan ng langit ang iyong mga kaku-langan.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kaunting idlip pa at kaunting inat, iigi na ang iyong pakiramdam. Dahil sa iyong pananampalataya sa Itaas, gagaling na ang karamdaman ng iyong kabiyak. Kaya, masasabi mong ito ay isang himala at totoo ito.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Huwag kakapit sa patalim kapag gipit. Ang kakapusan sa pinansyal ay panandalian lang. May isa o tatlong kaibigan ang handang tumulong sa iyo na walang halong kapalit at panunumbat.