HOROSCOPE JANUARY 12, 2021

HOROSCOPE JANUARY 12, 2021

January 12, 2021 @ 7:00 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi masamang mag-isip ng ibang mapagkukunan ng salapi basta sa malinis na paraan. Huwag masilaw sa alok ng masama kumita lang ng malaking halaga.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — May mga ideya na sasalungat sa ‘yong gusto. Pag-isipan at pag-aralan mabuti ang kanilang suhestiyon dahil baka tama sila at ikaw ang mali.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —Makapagbibigay ng inspirasyon sa araw na ito sa isang Taurus na nasa kalungkutan o nasa pagsubok ang buhay. Huwag ibaba ang lebel ng pagkatao dahil lamang sa tsismis.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —Lumayo sa taong alaskador para hindi ma-badtrip sa araw na ito. Kung may libreng panahon, ilaan sa minamahal upang makabawi sa mga pagkukulang.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —Masisira ang reputasyon kung basta-basta na lang magbibitiw ng pangako. Tiyakin na may sapat na oras para gawin o tuparin ang binitiwang salita sa kaibigan o mahal sa buhay.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magkakaroon ng sapat na oras para pagtuunan ng pansin ang humihinang resistensya. Hindi dapat manghinayang sa pera kung kalusugan ang nakataya.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag maging mahiyain upang mapansin ng iniibig. Lakas ang loob upang ipagtapat ang tunay na nararamdaman. Nasa mabuting pagkatao ang susi ng matamis niyang oo.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Pag-isipang mabuti ang gagawing pagtulong upang hindi maipit sa alanganing sitwasyon. Umiwas sa taong mahilig sa kalayawan upang hindi masangkot sa gulo at madamay pati ang pamilya.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) May lihim na mabubunyag ngunit hindi dapat makasira sa iyong pagkatao at magagandang plano sa buhay. Laging isaisip na pagsubok lang ang lahat at magtatagumpay ka rin.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Umaayon ang mga bituin sa pagsasaayos ng relasyon sa pamilya o minamahal. Matutulungan ngayon ang isang kapamilya sa dinadalang problema.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Makagagawa ng bagay na ikagagaan ng loob ng ibang tao. Huwag baguhin ang pagiging masayahin kahit na nasa pagsubok upang maging inspirasyon sa marami.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Kahit na sobrang abala sa araw na ito ‘wag kalimutan ang pagdalo sa okasyon ng kaibigan o mahal sa buhay. Mas mahalaga ang iyong presensya kaysa sa materyal bagay.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...