HOROSCOPE JANUARY 12, 2023

HOROSCOPE JANUARY 12, 2023

January 12, 2023 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Kung may bumabangon mang suliranin sa loob ng tahahan, huwag na itong ipagsabi sa iba o kahit sa malapit na kaibigan. Iyan ay dapat nilulutas nyong magsing-irog. Kung hindi maiiwasang sabihin ito sa ibang tao, humingi ng advice sa mas nakatatanda, lalo na sa mga magulang.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Gawin mo ang mga bagay na lubusang makapagbibigay ng saya sa iyo. Kung may nasimulan na, ipagpatuloy mo ito. Kung may naiisip na ideya, pagtuunan na agad ng pansin. Ganyan ang dapat na maging attitude ng content creator o vlogger upang umunlad.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi dapat pairalin ang init ng ulo kapag may nakikita kang hindi tama o may maling ginagawa ang iyong mga kasamahan sa work. Kausapin mo sila ng mahinahon at palihim ‘yung tipong hindi mapapahiya sa iba. Kung may biyaya matutong mag-share sa iba dahil may paparating naman na grasya.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Kung may mahalaga kang bagay na sasabihin sa isang tao, isipin mo muna kung ito ay makabubuti o makasasama. Mahirap lumagay sa sitwasyon na may kasalamuha kang tao pero masama ang loob sa iyo. Kung ikaw ay isang nagpapatrabaho, huwag mo nang ipagpabukas ang sahod ng mga empleyado mo.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Kung hindi naman mahalaga ang gagawin sa ibang pook, mainam na ipagpaliban ito. Magkaroon ng quality time sa pamilya o sa iniirog. Ang isang programa o proyektong hindi pinag-isipan ay malamang na pumalpak. Kaya, tiyaking kumpletuhin muna ang mga kakailanganin bago sumalang.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi dahilan na abala ka para wala ka nang panahon sa iyong kasintahan. Kung hindi mo siya masusundo sa itinakdang araw na dapat gawin mo iyon, ipagbigay alam mo na agad habang maaga para maaga siyang makauwi. Dapat maaga sa itinakdang oras bago siya lumabas ng work.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — Ipagpatuloy mo ang maging matalino sa paghawak ng pera. Sabihin na nilang kuripot ka, pero hindi ka naman nawawalan. Kasi ang binibili mo lang talaga ay yaong kailangan sa bahay o sa buhay. Iwasan mo ang maglalagay ng kung ano-anong rekado habang nagluluto. Baka ang inaakala mong asin ay asukal ang mailagay mo sa tinolang manok. Lagyan ito ng pangalan kung ano ang laman.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Kahit ayaw mong lumayo siya sa piling mo, kailangang pagbigyan mo siya upang matupad ang pangarap niya. Huwag mo siyang sakalin sa inaakala mong labis na pagmamahal, subalit nasasakal siya. Hindi ka naman niya ipagpapalit sa iba dahil mahal na mahal ka niya. Ikaw ang sentro ng lahat ng kanyang pagsisikap sa ibang bayan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Walang puwang ang salitang paalam sa isang taong naging bahagi na ng iyong buhay. Magiging lubusan ang iyong kaligayahan kung lubusan kang magpapatawad sa taong nagkasala sa iyo. Kapag ang sugat hindi ginagamot, lalo itong magnanaknak.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Walang magiging positibong resulta ang pagsisingit ng negatibo o problema sa isang problemang may kaukulang solusyon. Ito ay makaaapekto sa iyong mga desisyon sa buhay. Ang perang inutang sa iba ay agad ding bayaran kapag nagkaroon ka. Mas pautangin mo ng pera ang taong nagtutungo sa inyong bahay na may dalang ulam, kaysa roon sa nakikikain lang.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Huwag mong isusugal ang iyong pera sa isang transaksiyong hindi mo gamay o kabisado. Lalo na’t ang taong nag-aalok sa iyo ay kakakilala mo pa lang. ‘Yung kilala mo nga ‘e nananabla na ‘e lalo pa kaya ‘yung hindi mo kilala. Kung hindi mo kayang mamahala ng business, maging capital partner ka na lang upang makatulong ka rin sa iba.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — May mga bagay na kahit gustong-gusto mo hindi mo makukuha. Itinulot ito ng langit para sa ikabubuti mo. Kaya, huwag kang magdaramdam. May ibang bagay na ipagkakaloob sa iyo na hindi mo gusto sa una.