HOROSCOPE JANUARY 13, 2021

HOROSCOPE JANUARY 13, 2021

January 13, 2021 @ 7:00 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Magiging maganda ang buong maghapon kung magagawang iwasan ang isang tuso at mapagsamantalang kakilala. Huwag kaligtaang pasalamatan ang minamahal na parati nang nakaagapay sa pagbibigay ng tulong at kasiyahan.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Sumasang-ayon ang mga pagkakataon upang magawa ang mga balakin nang walang magiging anomang kahadlangan. Hindi dapat magkaroon ng pagdududa sa taglay na talento.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —Sikaping maging magiliw kung talagang hangad na seryosohin ang pakikipagrelasyon sa minamahal. Pumapabor ang araw na ito upang mapahusay at mapatamis ang samahan sa piling ng itinatangi ng damdamin.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) —Ambisyunin ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan upang makatulong sa sariling pamilya. Umaayon ang galaw ng mga bituin para patunayan sa minamahal ang katapatan ng pag-ibig na iniuukol dito.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —Kinakailangang mapayabong ang pakikisama sa mga kasamahan sa sirkulo kung nais maging lider. May nakaambang balakid sa pinaplanong proyekto kung hindi magiging matatag sa mga pagpasyahan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung saka-sakaling magsasagawa ng isang malaking desisyon sa araw na ito, gunitain ang mga pagkakamali sa nakalipas upang hindi na maulit. Ang pagbibigay-puwang sa mga suhestyon ng minamahal ay may buting maidudulot.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi dapat tanggihan ang taong lalapit ngayon kung may magagawang tulong. Pag-aralang mabuti ang ilalapit na proyekto sa araw na ito kung talagang angkop sa nililinyang trabaho.

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) —Makababangon sa dinaranas na krisis sa pananalapi kung matututong magsakripisyo. Kung magkakaroon ng katuparan ang binabalak na pangingibang bansa ay mas magandang kapalaran ang masusumpungan.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Isang magandang alok sa trabaho o negosyo ang nakatakdang dumating sa araw na ito. Magiging matingkad ang damdaming pag-ibig sa sandaling makamit ang mainit na romansa sa piling ng minamahal.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —Kailangan ang pagtutok sa ikinabubuhay o negosyo upang maiwasan ang pagsulpot ng anomang problema. Ngayon magiging mas seryoso ang relasyon sa minamahal.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Nakaambang mapabayaan ang trabaho dahil sa pakikipagbarkada kaya asahan ang malaking problema na magpapasakit ng ulo. Dapat maging masipag sa lahat ng gampanin upang hindi pumalpak.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Hahangaan ng mga kasamahan sa pagtataglay ng matalas na isipan sa pagdedesisyon. Higit na magiging maayos ang takbo ng kabuhayan kung magiging ma- diplomasya sa pakikitungo sa lahat.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...