HOROSCOPE JANUARY 18, 2022

HOROSCOPE JANUARY 18, 2022

January 18, 2022 @ 7:00 AM 7 months ago


CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Nakatakda kang magkaroon ng isang bagong kaibigan ngayon. Isang kakilala na napalapit na sa’yong puso dahil sa maganda niyang ipinakita sa’yo at ang araw na ito ang magiging simula ng inyong pagkakaibigan.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi mo maiiwasan na makasalamuha sa pagtitipon ang tao na pinakaiiwas-iwasan mo. Meron kayong mga mutual friend kaya naman magkukrus at magkukrus ang landas n’yo sa ayaw at sa gusto mo. Ang pagiging casual ay makatutulong.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maguguluhan ka sa ipakikita sa’yo ng isang kaibigan. Ang espesyal niyang pagtrato sa’yo ay bibigyan mo ng ibang kahulugan. Na nanaisin mong sana ay totoo. Pero hindi ka pa makasisiguro sa tunay niyang damdamin para sa’yo.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi ka madedehado sa isang kasunduan. Makakapili ka ng tao na mapagkakatiwalaan mo at magagawa mong ipabahala sa kanya ang iyong mga plano kaya naman hindi ka mabibigo sa pagkakataong ito.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Maraming beses ka nang nagbigay at nagpaubaya sa iyong mga kapamilya. Sa pagkakataong ito ay iisipin mo naman ang sarili mo. Gagawin mo ang gusto mo at susundin mo kung ano ang idinidikta ng iyong puso’t isipan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dahil sa dami ng tao na gustong makialam sa problema mo ay makapagdedesisyon ka ng agad-agad. Kaya naman isang maling desisyon ang magagawa mo. Sa halip na madismaya ay gawin mo itong leksyon.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Magagawa mong pabilibin ang iyong boss. Sa kabila ng ilang sablay mo sa trabaho ay mananatili ang kanyang tiwala sa’yo. Wala kang dapat ipag-alala sa mga nagawa mong pagkakamali dahil makakabawi ka rin agad at dito siya bibilib sa’yo.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Aakalain mo na tinatabangan na siya sa’yo. Pero bago matapos ang araw ay mapatuatunayan mo na ikaw pa rin pala ang iniisip niya. Ang effort na gagawin niya para mapasaya ka ay hindi basta-basta kaya labis mo itong ikatutuwa.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Maging maingat sa mga pananalita gaya ng pag-iingat sa pagmamaneho ng sasakyan upang hindi makasagasa ng sinoman. Ang mabuting kalusugan ay maituturing din na yaman kaya dapat pangalagaan ang sarili.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magtatapos ng maayos ang mga gawain ngayong araw dahil sa pagkakaroon ng maaliwalas na kaisipan. Maipakikita sa kinabibila-ngang sirkulo ang taglay na talento.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Lubos na mapahahalagahan ang tinataglay na talento kung mababago o mapipigilang lumitaw ang mga kahinaan. Huwag kayamutan ang ituturong bagong kaalaman sa pinagtatrabahuhan.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Matutong mag-adjust dahil ang pag-uugali ng mga tao sa paligid ay hindi magagawang baguhin. Sa halip na layuan ang mga taong hindi nagugustuhan ay pag-aralang pakisamahan.