HOROSCOPE JANUARY 19, 2022

HOROSCOPE JANUARY 19, 2022

January 19, 2022 @ 7:00 AM 7 months ago


CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Ang tunay na pag-ibig ay ‘di magmamaliw kahit ilang bagyo man ang dumating. Kung talagang totoo’t wagas ang pagmamahal niya sa iyo, susuyuin ka kahit ika’y nasa malayo.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Masyado kang carried away sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo. Huwag mag-isip ng masama. Positibo ang usapan ng iyong mga kapitbahay. Kaya, alisin sa isip ang mainis sa kanila. Sa halip, maging magiliw ka.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ipagpaliban muna ang lakad kung ‘di naman ito mahalaga. Kailangan mong magpahinga ngayon upang makakuha ng lakas. Masyado ka kasing tutok sa trabaho at baka magkasakit ka. Aayon naman sa iyo ang pagkakataon dahil makakakuha ka pa ng mas maraming transaksyon matapos ang ilang araw na pagrerelaks.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Huwag padala sa simbuyo ng damdamin. Baka bitag lang ito ng iyong mga kasamahan sa trabaho. Baka sinusubukan lang nila kung hanggang saan ang iyong pasensya. Maging kalmado. Sa bandang huli, mas kagigiliwan ka nila kapag manatili kang mapagpakumbaba.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Iwasang makisama sa mga sugarol at lasenggo. Pandemya na nga, lulong pa ang mga kaibigan mo sa mga nabanggit na bisyo. Wala itong maidudulot na mabuti. Ilaan ang pera sa pangangailangan ng iyong sambahayan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka magtatagumpay kung ititigil mo ang iyong mga mabubuting panukala. Huwag mong hayaang lumapat sa iyo ang kasabihang ‘ang umaayaw ay hindi nagwawagi.’ Isang dipa na lang ang bubu-nuin mong hirap at magtatagumpay ka na.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Underrated ka sa iyong ginagawa sa inyong opisina. Likas kasing humble ka. Huwag mag-alala at nakikita ito ng lihim ng inyong boss. Magugulat na lang sila na ikaw na hindi sipsip ang siyang mapo-promote sa trabaho.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Isang magandang balita ang matatangap sa susunod na linggo. Huwag mo muna itong ipagsasabi sa iba. Kahit sa misis mo. Sa gayun ay ‘di mabulilyaso. may kinalaman ito sa transaksyong pinansyal.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Hindi mo na kasalanan kung sabihin ng suitor mo na magpapatiwakal siya. Echos lang ‘yun. Papaano siya makapanliligaw ng iba kung tsugi na siya. Karapatan mong mamili ng magugustuhan at mamahalin. Hindi dapat ipinipilit ang damdamin ng isang tao para mahalin ang nagnanais na makamtan ito.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Abalahin ang sarili sa mga bagay na akala mo ay walang halaga, pero, makabuluhan pala. Pagkakitaan mo ang mga bagay na iyong pinagkakaabalahan. It’s time na karirin mo ang pagiging vlogger.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Dumarami ngayon ang mga taong lihim na humahanga sa iyo. Ito ay dahil sa tahimik ka, pero, marami ka palang talento. May ibubuga ika nga.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Maging positibo lang sa buhay sa kabila na tila nawawalan ka na ng pag-asa. Huwag mong hayaan talunin ka pa ng isang paralisado na kayang magtaga ng itak sa buko at pinagkakakitaan ito. Iwaksi ang kaisipang negatibo at papasok ang suwerte sa iyo.