HOROSCOPE JANUARY 21, 2023

HOROSCOPE JANUARY 21, 2023

January 21, 2023 @ 7:00 AM 7 days ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) — Mahirap ‘yung hindi mo gusto o hindi mo naman crush ang tao tapos mapo-fall ka. Kaya, huwag mong dayain ang iyong sarili. Kung mahal mo na siya dahil sa madalas mo siyang makita at makausap, taglayin mo ito para sa ikabubuti mo. Magiging mabuti kayong magkasintahan kapag nagkataon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) — Mapapanaginipan mo ang isang taong hinahangaan mo. Pero ang ikagugulat mo sa susunod na araw mapangyayari ito. Hindi man maamo sa iyo ang salapi, kusa naman itong lalapit dahil sa taong iyon. Magiging lucky charm mo siya. Paghandaan ang napipintong proyekto na kakailanganin ang iyong kasanayan at kakayahan.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Maging maingat sa binibitawang salita o kung papaano ka magsalita. Sapagkat nagiging sensitibo na ang mga tao sa paligid mo. Hindi ko namamalayan na ang iyong mga pananalita na parang tabak na may dalawang talim kapag kanilang napakinggan. Ang iyong kabuhayan ay makikita mo sa ibang lugar. Kaya, mainam na paghandaan ang trabaho na malayo sa inyong tahanan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) — Mabuti ang pagiging maawain sa karapat-dapat na pagpakitaan nito. Subalit, kalabisan sa hindi. Sapagkat, ang mga taong ito na ginagawa mong mistulang pasusuhing sanggol kapag nawili sa kahihingi sa iyo.Turuan mo silang manghuli ng isda. Sa gayun, kapag ikaw naman ang sumubok o humingi ng tulong sa kanila, makatutulong sila.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Mag-ingat ka rin sa iyong mga ikinikilos at mga binibitawang salita. Kahit sabihin pang good shot ka o Good Samaritan peg, subalit kapag nakitaan ka nila ng isang pagkakamali o butas, buradong ang lahat ng kabutihang ginawa mo. May sorpresang naghihintay sa iyo bago o pagkatapos ng iyong kaarawan.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kung ikaw ay isang negostante, ilabas mo ang kamag-anak at kaibigan system. Ang negosyo ay negosyo at kailangan mong kumita sa tama at patas. Huwag puro pakamig sa mga taong malapit sa iyo na mahilig sa pa thank you at bigay. Ipunin ang kinikita at iwasang magpautang kung malakihan.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) — May mga tanong ka noon na mabibigyan ngayon at sa mga susunod na araw ng kasagutan. Kaya, magiging panatag ang iyong kalooban kaakibat ng pagdaloy ng mga biyaya. Ang pananahimik sa tamang okasyon at pagkakataon ang makatutulong upang mailigtas ka sa negatibong paghusga at kahihiyan. Sa lovelife, maaaring patulugin o gisingin na ang pusong natutulog.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Hindi lahat papabor o sasang-ayon sa iyong gusto. Kaya, mag-ingat sa pagbibitaw ng salita. Kailangan mo ring makinig sa suhestiyon ng iba upang maging maayos ang inyong trabaho. Isang malaking proyekto ang nakatakdang gawin sa mga susunod na araw. Kaya, ihanda ang katawan at isipan.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung sardinas na maanghang lang na inutang sa tindahan, tuyo at noodles na inutang lang sa tindahan ang inyong ulam nitong mga nagdaang araw, magbabago na iyan. ‘Yan ang bunga ng pagtitiis at pag-iipon ng pera. Ang totoo naman kasi, ayos lang naman sa inyo ang mag-ulam ng ganu’n kahit may pambili pa kayo ng ulam. Mapapansin mo na ang perang naitatabi na pawang maliit ang halaga ay lumalaki.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) — Kagaya ng ulan, walang tigil ang paghahangad niya sa iyo. Ganyan ka niya kamahal at pursigido ang taong nagkakagusto sa iyo na makuha ka. Gagawin niya ang lahat para mapaibig ka lang. Mag-ingat lamang. Kahit kasi mabait siya, baka makagawa siya ng ‘di maganda. Baka daanin ka niya sa set-up.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  — Kahit maamong tupa o matino ang isang tao, may limitasyon ito. Kaya, bawas-bawasan mo muna ang pang-aalaska sa taong madalas dumaan sa inyong bahay. Baka kasi isipin ng ibang kapitbahay na iba na ‘yan. Baka nagpapapansin ka lang daw. Sige ka, baka isipin pa nung tao na may gusto ka sa kanya.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  — Ngayong Year of the Rabbit, makakabingwit ka ng suwerte sa lovelife at career. Magkakasyota ka ng tsinito o tsinita. Tapos, magkakaroon ka ng extrang income at pagkakaabalahan. Kumapit ka sa positibong kaisipan o manipestasyon. Sapagkat, anomang isipin mo at gusto mo ay mapangyayari dahil sa masidhing determinasyon.