HOROSCOPE JANUARY 25, 2022

HOROSCOPE JANUARY 25, 2022

January 25, 2022 @ 7:00 AM 8 months ago


 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Mainit ang ulo mo nitong nagdaang araw. Papaano ba naman kasi, nawawala ang wedding ring mo, bagay na pinag-awayan n’yong mag-asawa. Kala yata sinangla mo. Hanap ka ng hanap ‘di mo makita. Hanapin mo sa aquarium at nahulog pala ru’n. Tapos isaksak mo sa baga ng mister mo para bilhan ka niya ng bagong mamahaling bag.

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Masakit talagang mamatayan ng pet. Parang pamilya na ang turing mo ru’n. Sa totoo lang, ayaw ng pet na maging malungkot ka. Tapos na ang tungkulin mo sa kanya at tungkulin niya sa iyo. Kaya, huwag kang masyadong malungkot.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ang utang ay utang. Kahit hindi ka sinisingil, bayaran mo ito kapag nakaluwag ka. Huwag mong hayaang unti-unting kalawangin ang tiwala ng iyong kaibigan sa iyo. magbigay kahit kaunti o hindi buo, basta nakababayad ka ng atraso.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Kung kailan umalis siya, saka ka naman nagmumukmok. Ikaw naman kasi, ‘di mo siya binigyan ng pag-asa. ‘Yan tuloy, affected ka. ‘Di bale, mahal ka pa rin niya at susuyuin ka pa rin niya kahit malayo na siya sa iyo. babalikan ka niya uli.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Walang masama sa panonood ng cartoons kahit matanda ka na. Alaala ng kabataan ‘yan at napagagaan ang iyong kalooban. Huwag mong pansinin ang pumupuna sa iyo r’yan. Problema na nila iyon.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Darating na ang suwerte sa iyo. Kasi ilang taon ka na ring naghintay. Suwerte sa lovelife, financial at career. Gayunman, kapag dumating ito, huwag kalilimutan ang mga taong tumulong sa iyong pag-angat.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nagtataka sila sa aura mo. Mahirap lang kayo pero kutis porselana ka. Kaya ganu’n ‘e Perla na sabon lang naman ang gamit mo. Kutis artista kaya bakit ‘di mo subukang mag-artista. May K ka kapatid. Bubuwenasin ka rito. Now na.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Kung sino pa ang ayaw mo, ‘yun pa ang tutulong sa iyo. Kaya, ibaba ang ego mo dude. Magandang ipagpatuloy mo rin ang mga nasimulan mong aktibidad at magtatagumpay kang tiyak.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Magastos kang masyado. Puro foods lang naman trip mo. Ok lang ‘yan. Darating at darating ang biyaya sa oras ng pangangailangan. Kaya huwag kang mabalisa, may darating na package para sa iyo.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Lahat daw ang sinasabi mo ay nagkakatotoo. Kaya, bilib sila sa iyo. Pero huwag mong subukang maging fortune teller dahil malas ‘yan. Mag-online selling ka na lang at magiging boom pa ‘yan.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Banidoso ka lang at ‘di bakla. Kaya, matatauhan ang GF mo rito. Kala niya closet queen ka. Takot lang siyang mawala ka ang daming nag-aabang sa iyong girls. Bukod sa kenkoy na, mapera pa. Kaya siya na ang makikipagbati sa iyo sa LQ n’yong dalawa.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Akala nila mapera ka, hindi naman. Matipid ka lang. Kaya, ‘di ka nauubusan. Mabuti na ‘yung akala nila wala kang pera kaysa sa mapera ka. Sa gayun ay ‘di sasakit ulo mo sa makikisuyong mga kapitbahay mo upang umutang.