HOROSCOPE JANUARY 26, 2022

HOROSCOPE JANUARY 26, 2022

January 26, 2022 @ 7:00 AM 8 months ago


 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Tama lang na magtampo ka sa mister mong hindi nalililigo. ‘Di bale, babawi naman siya sa iyo. Sa tuwing magpapalaba siya ng pantalon, may nakaipit na lilibuhin sa bulsa nu’n. Magsuot ka na lang ng face mask kapag magtabi kayo sa higaan para walang problema.

 

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi lahat ng tao ay ayaw sa iyo. Masyado ka lang kasing assuming na inis sila sa iyo. Ang totoo, gusto ka nila at kinagigiliwan. So, why don’t you enjoy with them? Mayaman pa naman ang isa na gustong maging kabigan ka.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — May puhnan kang naitatabi para sa isang binabalak na negosyo. Pero, nagdadalawang isip ka na ikasa ito ngayong taon. Tama ang iyong instinct. Huwag munang ikasa ang business. Sa susunod taon muna ituloy. Sa ngayon, patuloy pang mag-ipon nang mag-ipon para dumami ang pera.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ibang klase rin naman ang erpat ng nililigawan mo. Aba niyaya ka sa inuman. Kaya, tuwing uuwi ka galing sa dalaw ‘e lasing ka. Pero, nasa wisyo naman at matinong kausap. Sinusubukan ka lang nu’n kung magbabago ka kapag nasa impluwensya ng agua de pataranta, dahil sa behave kang lalo kapag nakainom, ang tatay na mismo ang magsasabi sa anak niya na sagutin ka.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang hirap maging tatay ano? Kasi, puyat ka sa kababantay ng baby n’yo. Sensya ka na, sa call center nagtatrabaho ang misis mo. ‘Di mo ba alam, mga isang taon pa, magiging model na ng Pampers ang anak mo. Magdadala siya ng suwerte sa buhay n’yo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Makinig sa payo ng mga kamag-anak. Dahil sa oras ng kagipitan, sila rin ang makatutulong sa iyo. Hindi ang barkada mo na wala pang disposisyon sa buhay.

 

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Praning ka na kung praning. Pero, ganyan ka magmahal. Mas mahal mo pa ang mga alaga mong aso’t pusa kaysa sa GF mo. Magtatampo siya sa iyo. ‘Di niya alam, pagkakakitaan mo ang pag-aalaga ang aso. ‘Yung bayad sa breeding. Gayunpaman, suyuin siya kapag nag-iinarte.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Masama sa iyo ang sobrang pagkain ng ice cream. Paborito mo ito. Pero, subukang kumain ng iba sa susunod na araw. Kasi, kapag ganu’n, mabibilaukan ka sa ice cream tapos makikita ng crush mo. Baka ma-turn-off siya kala niya preggy ka.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Umaayon ngayon sa iyo ang pagkakataon. Suwerte ka sa pinansyal dahil masisingil mo na ang mga kliyente mo. Itabi ang pera at pautangin ang kaibigan na naghihikahos. Para tuloy-tuloy ang suwerte.

 

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Hindi mo na kasalanan kung kutis artista ka kaysa sa beshy mo. Kahit kasi maykaya sila, mukha siyang maglulupa. May pagkakataong nagseselos siya sa iyo dahil pansinin ka ng boys. Kaya, iyong isang suitor mo, itulak mo na lang sa kanya. Tutal, hindi mo naman gusto ‘yun at sabihin mo bagay silang dalawa.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Apektado ka sa pagputok ng bulkan sa Pacific, sa bansang Tonga, bakit may kamag-anakan ka ba ru’n? Huwag mag-worried ng wala sa lugar. Magmumukhang losyang ka lang girl. Ituloy mo ang pagtitinda online dahil marami ang bibili sa iyo. Huwag mo lang ipakita ang kuyukot mo. Okay.

 

 

 

 

 

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — May mga sorpresang darating sa iyo sa mga susunod na araw. Huwag mag-alala, puro positibo ito. Kaya, labis kang maliligayahan. Isang kaibigan ang magbibigay sa iyo ng regalo mula sa ibang bansa. Ito’y labis mong ikatutuwa.