HOROSCOPE JANUARY 26, 2023

HOROSCOPE JANUARY 26, 2023

January 26, 2023 @ 7:00 AM 2 weeks ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Hindi mo dapat ikabahala ang iyong ikinikimkim sa saloobin na mabagal ang iyong pag-unlad o pag-asenso; kahit na nagsisikap ka naman nang husto ngayon. Bahagi ito ng proseso at pagpapadalisay ng tadhana at ng nasa Itaas. Ibibigay naman ito sa iyo sa tamang panahon at mapapansin mo na lang na nasa itaas ka na pala ngayong taon.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Ang liwanag mo ay magniningning kapag nakita ng nasa Itaas na down na down ka na. Inilalagay Niya ang mga tao sa paligid mo sa isang bitag at pain. Sa gayun ay maituro sa iyo kung sino ang taong nanghuhusga sa iyo ng negatibo at positibo. Gawin mo ang pain at palabasin mong kawawa ka at diyan mo malalaman ang tunay na kaibigan kaysa sa huwad.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Maantala ng kaunti ang pagdating ng job offer. Pero, huwag mabahala dahil darating ito sa isang sorpresang paraan. Ang isang taong may malaking bahagi noon sa iyong buhay sa nakalipas na panahon ang biglang magpaparamdam. Ito ay dahil tatanaw siya ng utang na loob sa ginawa mo noon sa kanya.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Huwag mong iasa sa tadhana ang inyong kapalarang dalawa. Hindi porke maganda ang tinginan n’yo ay gayun na ang siste. Gaya ng isang halaman, kailangang inaalagaan ito para lalo pang mamukadkad. Kapwa kayo mag-effort sa isa’t isa.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Hindi biro ang bawat mong binibitawang salita. Kaya, mag-ingat sa mga taong sensitibo at maramdaman. Hangga’t maaari ay iwasang gumamit ng malalalim na salita at ibahin ang timbre ng iyong boses na tila galit at pasigaw. Ang pagbibigay ng atensiyon at oras sa gawaing espirituwal ay may mabuting idudulot na pakinabang at biyaya sa kalusugan at materyal na bagay.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kung napi-feel mo na wala ka nang dating sa kanya, huwag ka na munang magpa-cute at mag-display-display sa harapan niya. Kasi, kumupas na ang infatuation niya sa iyo. Parang ice cream na ‘flavor of the month’ lang ang flavor ang kanyang damdamin sa iyo. May iba na rin siyang kinahuhumalingan. Gayunman, mapagtatanto niya sa huli na ikaw talaga ang mahal niya.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Sadyang masakit marinig ang katotohanan. Kung tagos ang mga sinasabi ng ibang tao sa sitwasyon mo, maiging manahimik na muna. Ang dapat mong gawin ay magsikap at kung unti-unti ka nang umaangat, huwag mo itong ipahalata. Sa ganito mo papatayin ang pag-asa ng mga nanlalait sa iyo at aalisin ang kanilang kawalanghiyaan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Kung sakaling mahuhulog muli ang damdamin o susuong sa pag-ibig o relasyon, tiyaking ang pipiliing tao ay tama. Hindi iyong lolokohin ka lang. Gayunman, malaki ang posibilidad na tamang tao ang iibig sa iyo. Sapagkat, ang iyong katangian, pangit man o maganda ang kanyang tinanggap at nagustuhan sa iyo.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Ang pagpapautang ay isang pagpapasya ng puso at sentido, kung saan ay maaaring maibalik o hindi ang pera o serbisyo sa iyo. Kaya, kung hindi ka mabayaran-bayaran ng taong may utang sa iyo, huwag siyang sikilin. Ang langit na ang magbabayad ng utang ng taong iyon para sa iyo. Lalo kang pagpapalain sa gayung diwa at kababaang-loob.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Huwag mong tatangkaing hipuin ang kanyang kamay at haplusin ang kanyang mukha. Kapag ginawa mo iyon, kahit hindi mo naman siya gusto ay baka ma-fall ka sa kanya. Ganyan kahiwaga at kadaya ang pag-ibig. Magle-level ang inyong friendship ngayong taon. Kaya, maghanda ka.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Ang mga bagay na mahalaga sa iyo na nawala sa nagdaang panahon ay muling maibabalik. Ito ay sa inaasahan at sorpresang paraan. Pagsikapan pang palaguin ang naipundar na munting business ngayong taon. Dahil mula rito ay lalago pa ito na magbibigay sa iyo at sa iyong pamilya ng magandang buhay.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Kung may munting tampuhan na bumabangon sa pagitan nyo ng iyong kasuyo, huwag mo na itong palakihin o palalain. Kung ikaw ang may mali o kasalanan, agad na magpakumbaba at humingi ng sori. Madali lang naman lumambot ang kalooban niya kaya agad kayong magkakaayos. Sa work, panahon na upang tumuklas ka at gumamit ng ibang pamamaraan para sa bawat ikakasang proyekto.