HOROSCOPE JANUARY 3, 2022

HOROSCOPE JANUARY 3, 2022

January 3, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa isang relasyon. Palagi itong susulpot nang biglaan sa panahong hindi mo inaasahan. Ngayong araw ay susubukan ng tadhana kung sino sa inyo ang higit na makauunawa.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Mangangamba ka sa pagdating sa buhay mo ng isang tao. Hindi mo pa siya gaanong kilala pero mahuhulog ang loob mo sa kanya. Alam mo na hindi ito dapat mangyari dahil may nagmamay-ari na sa’yo.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Matatambakan ka ng trabaho magmula sa bahay hanggang sa opisina. Wala kang maaasahan sa mga gawaing bahay kundi ang sarili mo at wala ring ibang maaasahan ang iyong mga kasamahan sa trabaho kundi ikaw. Kaya, ikaw na!

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Ikalulungkot mo ang araw na ito dahil hindi ka makakasama sa isang kasiyahan na dapat ay nandoon ka. Gustuhin mo man ay wala kang magagawa dahil sa mga problemang pumipigil sa’yo. Maku-kuntento ka na lang na makita silang masaya sa mga post nila sa social media.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Magiging aktibo ka sa mga charitable work dahil sa impluwensya ng isang kamag-anak. Maeengganyo ka sa kanyang adhikain at sa kanyang mga ginagawa kaya nanaisin mo na tularan ito. Mag-ingat lamang sa mga mapagsamantala.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Makararamdam ka ng pagseselos. Hindi mo gugustuhin ang mababalitaan mong pagdikit-dikit ng isa ninyong kasamahan sa mahal mo. Kaya naman ang buong araw mo ay masisira nang dahil sa isiping ito na hindi magpapatahimik sa’yo.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Napakaaliwalas ng magiging araw mo ngayon dahil sa muli ninyong pagkikita-kita ng mga kaibigan. Sila ‘yung mga kaibigan na minsan mo lang makasama at nagkaroon na ng puwang sa puso mo. Walang pagsisidlan ang tuwa mo ngayon kasama sila.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mapapansin mo ang pag-iwas sa’yo ng isang malapit na kaibigan. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon sa ngayon na tanungin siya at kausapin kaya buong maghapon na magiging palaisipan sa’yo ang dahilan ng pag-iwas niya.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Hindi mo inaasahan ang gagawing pagpapakumbaba sa’yo ng isang nakaalitan. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na makipagbati sa kanya subalit sa huli ay mas pipiliin mo pa rin ang makipag-ayos na lang para mawala na ang bigat sa dibdib mo.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Mananabik ka sa araw na ito dahil sa malaking perang mahahawakan mo. Ingatan mo ang paggastos nito dahil minsan lamang dumating ang mga biyayang gaya ng sa’yo. Iwasan mo rin ang mga taong abangers sa pera mo pero wala namang paki sa’yo.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Magiging maganda ang araw mo ngayon. Ang mga problema ay pansamantalang mamamahinga. Ito ang araw na gugustuhin mong lumabas kasama ang mga kaibigan para mag-unwind. Minsan lang ito kaya sasamantalahin mo na.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) May suwerte ka ngayon sa usaping negosyo. Umpisahan mo ito sa umaga pa lang upang maaga rin ang pagpasok ng biyaya. Ang mga negatibong elemento sa paligid mo ay walang magagawa dahil sa likas na suwerteng hawak mo ngayon sa iyong palad.