HOROSCOPE JANUARY 5, 2022

HOROSCOPE JANUARY 5, 2022

January 5, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maaliwalas ang aura mo ngayon kaya naman ang suwerte ay maaakit mo papasok sa iyong negosyo. Panatilihin mo lang ang iyong good vibes kahit pa pasulpot-sulpot ang mga nakakaimbyernang tao sa paligid mo.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Hindi mo mahahalata ang tunay na damdamin sa’yo ng isang kaibigan. Hindi rin niya gusto na malaman mo ang tunay niyang nararamdaman para sa’yo dahil alam niya na wala namang patutunguhan ang damdaming iyon.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magiging abala ka ngayon sa gawaing pangsimbahan. Ito ay sa impluwensya ng iyong mga kaibigan na aktibo sa gawaing ito. Mabuting impluwensya sila sa’yo kaya naman hindi masama kung sila ang palagi mong makakasama.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Dahil nasa paligid mo lang ang iyong mahal sa buhay kaya naman lahat ng gagawin mo ay magiging inspirado ka. Pag-iisipan mo ang isang proyekto na makatutulong sa nakararami sa inyong barangay at maka-aasa ka ng suporta mula sa kanya.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Tututukan mo ngayon ang isang gawain na palagi mong nakaliligtaang gawin. Ngayon ka lang makakahanap ng perpektong oras para rito. Hindi mo kasi ito priority subalit hindi mo maikakaila na malaking tulong ito sa iyong kalusugan. Ito ay ang pag-eehersisyo.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magandang araw ito ng paglalakbay. Sa wakas ay matutuloy na rin ang matagal mo ng pinaplanong pag-uwi sa inyong probinsya. Kahit mag-isa ka lang ay magagawa mong enjoy-in ang bawat oras mo sa byahe sa kabila ng mga traffic na pagdaraanan.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Normal lang ang araw na ito para sa’yo. Walang masyadong thrill. Wala ka ring problemang kakaharapin. Ikaw na ang mag-iisip ng paraan kung paano mo mabibigyan ng kulay ang iyong araw. Madali ka kasing ma-bored.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi mo maiiwasan ang isang bisita na sorpresang kakatok sa bahay n’yo. Hindi mo siya gustong makita dahil may tampo ka pa sa kanya subalit hindi mo siya mapipigilan, ito ang araw na sisikapin niyang mawala ang tampo mo sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Malalagay ka sa isang alanganing sitwasyon at isang tao ang magpapakita ng kanyang malasakit sa iyo. Pagdududahan mo ang tunay ni-yang motibo subalit mapatutunayan niya rin sa huli na malinis ang kanyang intensyon.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Babalikan mo ang isang alaala na hindi mo na dapat pang balikan. Ito ay dahil sa hindi sinasadyang pagdaan sa news feed mo ng isang tao na may malaking kinalaman dito. Isa siyang mahalagang parte ng alaala mo.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Kakapusin ka ng pasensya sa isang kasamahan sa trabaho. Para sa’yo ay hindi na tama ang kanyang mga ginagawa. Wala na sa kaa-yusan at nakakatapak na siya ng ibang tao. Mapipilitan kang pakialaman ito dahil isa kang righteous person.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Hindi magiging madali para sa’yo ang bagong hamon na haharapin mo. Pwede mo naman itong iwasan kung gugustuhin mo pero mas pipiliin mo na tanggapin ang hamon. Gagawin mo ang lahat para mapagtagumpayan ito.