HOROSCOPE JANUARY 6, 2022

HOROSCOPE JANUARY 6, 2022

January 6, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Walang patutunguhan ang iyong pagmumukmok ngayong araw. Bagama’t maraming problema kang kakaharapin ay hindi ito sapat na dahilan para tumigil ang iyong mundo. Masasayang lang ang buong araw na ito.

 

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Mag-aalala ka sa isang kaibigan na magpapasyang lumayo nang biglaan. Hindi mo alam ang kanyang pinagdaraanan at wala kang ideya sa problemang kanyang kinakaharap kaya naman labis ang iyong magiging pag-aalala para sa kanya.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mauubos ang energy mo ngayong araw na ito dahil sa dami ng mga gawaing naghihintay. Wala kang maipagpapabukas dahil lahat ay kailangan mong matapos ngayon. Kakailanganin mo ang tulong ng iyong pamilya.

 

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Sulit ang lahat ng naging pagod mo nitong mga nakaraang araw dahil ngayon naman ay wala kang gagawin sa buong maghapon kundi magpa-hinga at magrelaks. Matulog, kumain at manood ng tv mawawala lahat ang stress sa isip mo.

 

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) —  Mapupuno ka ng pag-asa ngayong araw dahil sa isang pangakong bibitawan ng iyong mahal. Malaki naman ang posibilidad na tutuparin niya ang kanyang pangako subalit matatagalan pa ito at kakailanganin mo ng mahabang pasensya at pagtitiyaga.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magiging maliwanag ang araw mo ngayon dahil sa presensya ng tao na nagpapasaya sa puso mo at nagbibigay sa’yo ng inspirasyon. Hindi man kayo magkaroon ng seryosong pag-uusap ay magkakaunawaan naman ang inyong mga damdamin.

 

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)  Hindi ikaw ang tipo ng tao na palabiro pero kapag nasa mood kang magbiro ay gagawin mo ito at wala kang pakialam kung meron man matawa o wala sa biro mo. Mas wala kang pakialam kung may mapipikon tulad ngayon.

 

 

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Isang balita ang makakarating sa’yo na magpapabago ng mood mo. Mula sa hindi gaanong kagandahang mood, ikaw ay sisigla at magiging excited sa mga araw na darating. Ito ay may kinalaman sa usapin ng pagkakakitaan.

 

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)  Mahalaga ang malalaman mo ngayon tungkol sa isang malapit na kaibigan. Isang problema na hindi mo aakalaing magiging parte ka at ang iba pa sa inyong grupo. Wala kang ideya kung paano ito sosolusyunan kaya ipagpapasa-Diyos mo na lang.

 

 

 

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) Maraming tao sa paligid mo ang susubukan na diktahan ka para sa isang mahalagang pagpapasyang gagawin mo. Subalit walang sino-man sa kanila ang makapagdidikta sa’yo. Mag-i-stick ka pa rin sa kung ano ang nauna mong plano.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Matapos ang ilang araw na puro pagsasaya ay haharapin mo naman nga-yon ang sangkaterbang problema na may kinalaman sa iyong trabaho. Hindi ka pa dapat papasok ngayon pero mapipilitan ka para maayos agad ito.

 

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Papabor sa’yo ngayon ang tadhana. Ilang araw ka ng stress sa dami ng iyong iniisip kaya ngayon ay ikaw naman ang pagbibigyan ng kapalaran. Darating ang blessings na hindi mo matatanggihan bago matapos ang araw na ito.