HOROSCOPE JANUARY 6, 2023

HOROSCOPE JANUARY 6, 2023

January 6, 2023 @ 7:00 AM 4 weeks ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Kung talagang mahal mo siya, wala kang dapat pagsisihan sa mga nararanasan ngayon. Basta ang mahalaga sa iyo ay maipadama mo ang pakikiramay mo sa kanya at wagas na damdamin. Kesehodang lagi kang maging tagasalo sa mga problema at tagapunas ng luha sa kanyang mga mata. Gayunman, hindi ito mararamdaman ng taong pinag-uukulan mo ng pagtingin. Gayunman, sa kalaunan ay mapapansin niya ang magagandang katangian mo at mahuhulog ang loob niya sa iyo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Basta seryoso ka sa isang bagay na gusto mong makuha para sa iyo at para sa mga mahal mo sa buhay, makukuha mo ito. Ito ang dapat mong taglayin kahit sabihin pa ng iba na tila hindi ka determinado. Hindi nila hawak ang iyong isipan kaya kumilos ka ng hindi nila namamalayan. Gulatin mo sila at ang iyong tagumpay ang magsasabi sa kanila upang hindi ka nahuhuli sa karera ng buhay.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Kung may nararamdaman kang negatibo o may kinatitigan sa mga kasamahan sa trabaho, iwasan mong magsalita ng tapos o masakit sa kanila. Isipin mo ang magiging epekto nito sa iyo at sa iyong pakikisalamuha sa kanila. Sa bandang huli, apektado lahat. Pagsabihan mo sila sa pabiro, maginoo at maayos na paraan pero may laman.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Kung binibilang ng iyong mga kasama sa bahay ang kanilang ambag o magagandang nagawa; at pagkatapos ay isusumbat sa iyo kapag may hindi sila nagustuhan na iyong ginawa, unawain sila. Lahat ay nagkakamali naman. Manahimik kung talagang ikaw ay nagkamali at magpaliwanag kung ikaw ang tama. Ang magkakaibigan na hindi hinog sa pagsubok at magkasama sa iisang bahay ay magkakatitigan sa bandang huli. Kaya, mas mabuting bumukod ka at pasyalan na lang sila.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Kung ikaw ay isang lider, maging mahinahon, maingat at maging seryoso pero may kaunting biro sa pananalita. Sa gayun ay hindi ka makasakit ng damdamin at manatili ang mataas nilang respeto sa iyo. Ilagay mo rin ang damdamin nila sa damdamin mo. Kahit na may paparating na pera, huwag mo munang isipin kung saan ito gagamitin sa pagkakagastusan. Mas mahalaga ang paggugol nito sa mga susunod na araw.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Huwag mong dayain ang iyong sarili. Kung mahal mo pa siya hanggang ngayon, hindi pa huli para suyuin siya at humingi ng isa pang pagkakataon. Huwag hayaang mawala ang isang taong hinahanap-hanap ng puso mo. At baka pagsisisihan mo ito kapag nagkataon. May feelings pa rin naman siya sa iyo. Kaya, huwag kang magsasawa sa panunuyo sa kanya upang maging kayong muli.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Malinaw na parang kristal na tubig na ikaw ay nakaaangat sa iyong mga kasamahan sa trabaho. Kaya, nararapat lamang na sa iyo mapunta ang promosyon. Gayunman, ikaw ay likas na mapagbigay at may delikadesa. Kaya, mainam ang naiisip mo na ipaubaya ito sa taong mas nauna, senior at may karanasan kaysa sa iyo. Ito ay pagpapakita ng respeto. Pero, kung talagang ukol sa iyo ang posisyon, sa iyo iyon mapupunta.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Magiging maaliwalas ang iyong araw ngayon sa kabila ng medyo may kasamaan ng panahon. Aayon sa iyo ang positibong transaksyon dahil sa positibong pananaw sa buhay. Bubuhos ang biyaya kung pananatilihing gumagawa ang kamay at nagtitiwala sa Maykapal.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Ang pagtatagumpay sa isang mithiin ay hindi nakukuha sa isang subok lamang. Walang bagay na gustong makuha na mabibingwit sa madaling paraan. Lahat ay pinaghihirapan. Sa gayun ay mas matamis din ang paglasap ng iyong pinaghirapan. Mas masarap namnamin ang success na hindi dumepende sa ibang tao.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Kung ikaw man ay hindi niya na gaanong pinapansin sa ngayon, huwag kang magdamdam o malungkot. Ito ay bahagi lamang ng pagbibigay niya ng leksyon sa iyo dahil sa iyong nagawang pagkakamali at kasalanan. Kailangan mo lamang ipakita sa iyong kasuyo na ikaw ay talagang sinsero sa iyong pagsisisi.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Hindi maiiwasang makasasagupa ka ng medyo β€˜di kagandahang pagkakataon. Magbaon ng maraming pasensya at palawakin ang pang-unawa. Ikaw ang mas may pinag-aralan kaysa sa mga taong nakasasalamuha mo. Ang matatanggap na magandang balita ay ilihim muna upang hindi sabihing ikaw ay nagyayabang lamang.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Kahit kayo ay nagmamahalan, hindi maiiwasan na magkakalayo muna kayo pansamantala. Ito ay para rin sa inyong dalawa. Hindi dapat pairalin ang lungkot dahil may mga paraan naman para magkausap at magkita kayong dalawa gamit ang makabagong teknolohiya.