HOROSCOPE JANUARY 7, 2023

HOROSCOPE JANUARY 7, 2023

January 7, 2023 @ 7:00 AM 4 weeks ago


 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) β€” Huwag mong ikatuwiran sa iyong kasuyo na wala ka nang gaanong panahon sa kanya at sa inyong mga anak dahil lagi kang pagod galing sa trabaho. Ito ay mababaw na dahilan. Nakukuha naman ito sa tulog at pahinga. Palakasin mo ang iyong isip upang hindi ka makaramdam ng matinding pagod. Mainam na yayain silang kumain sa labas para makabawi lalo na tuwing weekends.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) β€” Bagama’t kahit kinakapos sa ngayon dahil sa mga biglaang gastusin, makararaos ka pa rin sa tulong ng ilang kaibigan. Na ang mga ito ay kabago-bago mo pa lang na kakilala. Ito ay dahil sa niloob ng langit na buhatin ka pero bigyan pa ng kaunting pagtitiis bago ibigay ang ultimatum na tagumpay sa iyong minimithi.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) β€” Tinatanong mo ngayon sa kanya kung saan ka nagkulang, na naging dahilan upang kuwestiyunin ng iyong kasuyo ang katapatan ng iyong pag-ibig sa kanya. Huwag mo sasabayan ang kanyang sentimento at galit upang β€˜di na lumala pa ang isyu. Iwasan ding maging defensive dahil lalo lang itong makasasama. Iwasang makipag-usap sa iba ng matagal lalo kung hindi niya kilala.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) β€” Mula ngayon ay iwasan mo ang mga taong bigla na lang sumusulpot kapag mayroon kang biyaya. Pero, kung kinakapos ka nama’y hindi mo sila mahagilap. Na mahirap ding hingan ng kaunting pabor. Malalaspag lang ang iyong pera at pasensya sa mga taong ito. Dumikit ka sa mga taong lihim o patago ang pagtulong at hindi ipinagsasabi sa iba ito. Sila ang mabuting mga kaibigan.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) β€” Sa ayaw mo man o hindi, mabibigyan ng parangal ang iyong ginagawang pagsisikap. Kapag dumating ang sandaling iyon, huwag mong ipakitang tila hayok o masyado kang proud kapag tinanggap iyon. Sa gayun ay hindi lalabas na ang iyong ginagawang pagkakawanggawa ay pakitang tao lamang o dahil sa may hinihintay na kapalit.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) β€” Kung dumating ang sandaling muli kang magmahal, sundin mo ang talagang damdamin mo at huwag kang padidikta sa ibang tao. O susunggaban na lang at pagtitiyagaan kung sino ang ireto sa iyo ng inyong mga amiga. Sa gayun ang iyong mamahalin ang talagang gusto mo at mahal mo. Hindi iyong pag-aaralan mo pang mahalin. Hindi rin masamang nagkataon ang taong mahal mo ay may pera at may sinabi sa buhay.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) β€” Iwasan mo na makipagpataasan ng ere sa negosyo. Lalo na ang magpataasan ng benta at paramihan ng parokyano. Ito ay magbibigay lamang ng sakit ng ulo. Makuntento sa kung ano ang agos ng iyong business. Lalago naman ito kung magpo-focus ka. Kahit pagod ka sa pag-aasikaso sa mga kostumer, maging magiliw sa pagharap sa kanila.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) β€” Kung umaasa ka pa rin hanggang ngayon na magiging kayo, may maganda itong patutunguhan. Kasi, ang gusto niya lang naman ay mapatunayan na sinsero ang pag-ibig mo sa kanya. Kesehodang masakit sa iyong sinusuyo na pahirapan ka at idaan pa sa pagsubok ang iyong pagmamahal sa kanya, kailangan niya itong gawin. Mainam ito upang magkakilala pa kayo nang husto.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) β€” Walang ibang kikilos kahit nakikita ng mga kasamahan mo sa trabaho na may mga bagay na dapat ayusin at kumpletuhin. Yamang ikaw ang makararamdam o uudyukan na kumilos, gawin mo ito. Ipapakita mo na iba ka sa kanila. May reward na ibibigay sa iyo kapag nakumpleto mo ang tasks na ibinigay ng inyong boss.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) β€” Isang maling hakbang mo lang ay mawawala sa ayos ang iyong ikinakasang transaksyon. Kailangang pag-aralan pang mabuti ang ipiprisintang proposal at huwag magmadali. Slowly but surely ang pairalin mo. Sa bandang huli ang iyong presentasyon din ang tatanggapin. Kaya, ayusin ang dapat ayusin.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)Β  β€” Kagaya ng malamig na ihip ng hangin, ganyan ngayon ang nararamdaman sa iyo ng iyong kasuyo. Ito ay dahil sa iyong paulit-ulit na ginagawang kalokohan. Bumalikwas na sa paggawa ng mga bagay na kayang inaayawan hangga’t binibibigyan ka pa niya ng pagkakataon. Bumawi ka at bigyan mo siya ng atensyon.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Β  β€” Pagtiisan pa ang nasasagupang pagsubok kaugnay sa iyong mga kaanak. Na kung saan malayo ang loob ng iba sa iyo dahil sa nagawa noong pagkakamali at kasanalan. Huwag ka na munang mangatwiran, mainam na manahimik na lang sa kanilang pang-uupat. Gayunman, habang gayun ang kanilang ginagawa ay dadaloy naman ang biyaya sa iyo na matumal naman ang pagdating sa kanila.