HOROSCOPE JANUARY 8, 2021

HOROSCOPE JANUARY 8, 2021

January 8, 2021 @ 7:00 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) — Maging mahinahon at hindi dapat mapikon kung may kokontra man sa mga pinaplano. Ang selos na mararamdaman ngayon ang lalong magpapatibay sa pag-ibig na iniuukol sa kasuyo.

 

 

 

 

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) — Kailangang maging malinaw sa isip ang magiging resulta ng gagawing desisyon upang hindi magsisi sa bandang huli. Maganda ang mga senyal sa pagkakaroon ngayon ng isang hindi malilimutang karanasan sa pag-ibig.

 

 

 

 

 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) —Masasabak sa maraming gawain na pantahanan at pangkabuhayan kaya dapat maging maayos ang isipan at kalusugan. Gaano man kaabala ang araw, hindi dapat makalimutan ang bagay na patungkol sa Panginoon.

 

 

 

 

ARIES (Marso 21 – Abril 19) — Dahil sa hindi matatawarang pagsisikap, isang pagkilala sa tag­lay na talento ang magpapasaya sa buong araw. Sa pag-ibig, isang sikreto ang maaaring mabunyag ngayong araw.

 

 

 

 

 

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) — Ang pagbabago sa mga plano ay makabubuti sa takbo ng pamumuhay kaya dapat ipagpatuloy. Padating na ang pagkakataon na hinihintay sa pagsasakatuparan ng isang magandang proyektong pangkabuhayan.

 

 

 

 

 

 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi man nagbayad ngayon ang pinautang ay sasapat pa rin ang pananalapi ng pamilya upang mabuhay ng maayos. Malaki ang magiging partisipasyon ng kasuyo sa pagkamit ng tagumpay.

 

 

 

 

 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Makakukuha ng ekstrang pagkakakitaan sa dadalaw na kaibigan. Malapit nang umani ng sagana ang taglay na kahusayan sa trabaho.

 

 

 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) — Unahing ipundar ang magandang koneksyon sa ginagalawang sirkulo na magiging hagdan sa tagumpay. Hindi dapat manghina ang pananalig sa Poong Maykapal sa pagdaan sa mga pagsubok ng buhay.

 

 

 

 

 

 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23) Ngayon ang tamang araw upang isakatuparan ang mga hakbangin na nauukol sa inaambisyong puwesto sa trabaho o negosyo. Sa larangan ng pag-ibig, dapat sundin nang walang pag-aalinlangan ang ibinubulong ng puso.

 

 

 

 

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) —  Maging maingat sa pakikihalubilo sa mga tao sa paligid upang hindi maapektuhan ang reputasyon ng pangalan o career. Iwasang makipagdiskusyon sa mga bagong kakilala na hindi kalinya ng trabaho o hanapbuhay.

 

 

 

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) — Iwasang magdesisyon ng hindi sinasangguni ang mga kapamilya sa usaping pampamilya. Makatatanggap ng malaking pabor sa isang taong makahahalubilo sa isang sosyalang pagtitipon na pupuntahan.

 

 

 

 

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) Umaayon ang takbo ng panahon para maiwasto ang direksyon ng buhay sa pagtatrabaho. Piliin ang pagtitipon na dadaluhan o lugar na patutunguhan sa araw na ito batay sa kursunada ng kalooban.

 


  •  
  •  
  •  

Loading...